HARDTALK – Pilar Mateo .
A mother’s lament! More of pag-e-emote actually ang nababasa ng mga supporter ng megastar Sharon Cuneta sa mga komento niya sa social media tungkol sa mga bagong publicity shoot ng anak na si KC na sobrang sexy na kulang na nga lang daw eh, ibuyangyang ang kaluluwa sa tingin niya eh done tastefully and artistically na ala-Nastassha Kinski na pagyakap sa isang ulupong ng kanyang katawan at iba pa.
Na binawi naman ni KC sa fotos na in-exhibit niya para makatulong sa pag-ambag sa UNICEF para sa Nepal. Na ang tema nga eh, mother and children o mother and daughter and mother and son.
Ang say lang ni KC sa sinasabing sigalot nila ng kanyang ina, “I love my Mom so much. Just like the pictures depicted here, kung paano sila mag-protect sa mga anak nila, parang leon, it protects her cub.walang mabi-break sa amin. She’s my Mom. I will love her forever.”
Sabi nga, tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Ang palitan ng mensahe ng mag-ina eh, binabasa ng mga tao bilang patutsadahan at benggahan. Dahil sa isang mensahe nga raw eh, iniangat ni Shawie ang kanyang panganay kay Senator Kiko Pangilinan na si Frankie, describing how she is as a daughter.
Sad. Kung matutuloy sa malalimang tampuhan ang mangyayari sa kanila.
‘Am sure both of them are missing Mamita (Mommy Elaine) now…