ISANG blogger na may pangalang Fallen Angel ang sumulat tungkol sa umano ay katangian na-ting mga Pilipino. Sabi niya malaki ang papel n ito kung bakit ganito tayo ngayon. Ibig ko lamang ibahagi sa inyo ang sinulat niya. May mga konti akong pagsasaayos na ginawa nang isinalin ko ang kanyang teksto mula sa wikang Ingles.
- Tayong mga Pilipino ay bastos, walang disiplina at konsiderasyon sa kapwa. Ang ka-ilangan lang daw nating gawin para mapatuna-yan ito ay pagmasdan araw-araw ang mga lansangan at pansinin kung paano mag-unahan, gitgitan at hindi magbigayan ang mga drayber ng mga sasakyan.
- Masyado tayong emosyonal. Patotoo raw nito ang paghahalal natin ng mga pul-politiko sa poder na ang tanging kwalipikasyon ay pagi-ging ‘mukhang tapat’ o dahil sila ay namatayan ng kamag-anak (tulad ng nangyari kay Benigno Simeon Aquino III). Emosyon rin ang dahilan kaya ‘yung mga “one liners” na islogan (tulad ng Tuwid na Daan o Walang Wang-Wang) ay patok sa atin. Puro raw tayo reaksyon at hindi nag-iisip sa mga bagay na pinipili.
- Iresponsable tayo lagi nating iniaasa sa iba ang ating kaligtasan o kaginhawahan. Kaya raw bilib tayo sa mga tulad ni Rodrigo Duterte kasi hindi natin nakikita ang kahalagahan na tayo mismo ang magbabantay sa ating mga komunidad o interes. Lagi nating iniaasa sa iba ang responsibilidad ng paglilinis sa ating mga baho at basura.
- Wala tayong tiwala sa sariling kakayahan at talento. Palagian tayong nangangailangan ng banyagang basbas para mabuhayan ng loob. Kailangan pang manalo ng ating mga talentadong artista sa mga banyagang patimpalak para kilalanin sa sariling bansa tulad ng nangyari kay Gerphil Flores. Hilig din natin na ariin ang talento ng mga banyaga kung sila ay mestisong Pilipino gayong wala namang kontribusyon sa kanilang tagumpay ang pagiging kababayan natin (Nagtagumpay sila sa sarili nilang sikap). Ang daming lokal na talento na hindi natin pinapansin kasi hindi napupuri ng mga dayuhan. Kailangan natin lagi ng “affirmation” mula sa ibang lahi dahil insecure tayo.
- Walang batayang “Pinoy Pride.” Tayo ay pikon kapag pinuna ng mga dayuhan ang ating mga kahinaan. Imbes pag-aralan at sagutin ang puna punto por punto, ay agad nating pinagbabalingan at sinisiraan (argumentum ad hominem) ang pumupuna. Tayo ay may mataas na ego, matigas ang ulo at palagiang nagmamalinis (Pinoy Pride).
- Mababa ang standard natin sa buhay. Ito ang dahilan kaya madalas nating marinig ang mga salitang “Pwede na iyan” o “”Bahala na.” Puro tayo remedyo o palusot sa mga gawain.
- Tayo’y tamad at walang imahinasyon. Maraming mahusay na Pilipino pero hindi sila nakakukuha ng suporta mula sa ating lipunan o pa-mahalaan. Ito ang dahilan kaya lagi nating na-ririnig ang mga sumusunod: Hindi pwede ‘yan. Wag mo kaming kalilimutan. Pinagmumukha mo kaming tanga/masama. Bakit di ka mag-politiko. Ang ambisyoso mo naman. Balato ko, ha.
- May mali tayong konsepto ng kalayaan dahil sa 1986 EDSA revolution ay may palagay tayo na pwede na nating gawin lahat. Lagi ta-yong naghahalal ng mga pulpol na politiko o pul-politiko. Bilang mga botante, iresponsable at bobo tayong mga Pilipino. Ito raw ang mga matingkad na katangian nating mga Pilipino. Pag-isipan natin kung totoo.