Saturday , November 23 2024

Olongapo Mayor Rolen Paulino, ‘komisyoner’ din pala

00 Abot Sipat ArielNASA balag ngayon ng alanganin ang kandidatura ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino na nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo kasama ang anim pang iba sa Tanggapan ng Ombudsman dahil sa pagbebenta ng prime lot na pag-aari ng pamahalaang lokal sa isang pribadong korporasyon noong nakaraang taon.

 Ayon kay Olongapo City Councilor Eduardo Piano, kinasuhan niya si Paulino na nasa unang termino pa lamang ng panungkulan sa Olongapo dahil naging instrumento sa pagkakabenta ng isang 894 square meter prime lot ng Calvary Chapel, Incorporated na matatagpuan sa Gordon Ave., Barangay Pag-Asa, sa lungsod.

Bukod kay Paulino, kinasuhan din sina Tony-Kar Balde III, officer-in-charge ng Olongapo City Planning and Development Office; Erlinda Arzadon ng City Assessor’s Office; Marife Castillo at Napoleon Geraldino ng CENRO-Olongapo City; Michael Vrooman ng Calvary Chapel, Inc. at isang Monique Aquino.

Ayon kay Piano, nagsabwatan ang pitong akusado upang maibenta ang lote ng Calvary Cha-pel sa SM City Olongapo at mag-kamal ng milyon-milyon pisong komisyon mula sa pinagbilhan ng lote kaya malinaw na nalugi sa transaksiyon ang pamahalaang lungsod.

Kabilang sa mga isinampang kaso ni Piano laban sa mga opisyal ang paglabag sa Public Land Act, Republic Act 3019 na kilala rin bilang Graft and Corrupt Practices Act, Dishonesty, Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service at marami pang iba.

Ayon pa sa reklamo ni Piano, pinagkalooban noong Setyembre 1988 ni officer-in-charge (OIC) Francisco De Lara ng CENRO-Olongapo City ng sertipikasyon ang Overseas Christian Servicemen Center, Inc., na kinatawan ng Amerikanong si Frank Branham ng Miscellaneous Lease Application. Ngunit nakapagtatakang nagawang mailipat ang Real Property Tax ng Calvary kay Monique Aquino noong 2012  na hinihinalang tinulungan ni Arzadon.

Sa pangyayaring ito, humingi si OIC CPDO Engr. Marivic Nierras ng klaripikasyon kay Castillo noong Nob-yembre 16, 2012, kung paano nailipat ang titulo ng Calvary kay Aquino. Noon namang Mayo 21, 2013, nag-aplay si Piano ng special patent para sa lupa ng Calvary Chapel.

Hindi sinagot ni Castillo ang dalawang liham ngunit laking gulat ni Piano dahil  noong Setyembre 2014 ay may nakakabit na anunsiyo sa gate ng Calvary Chapel ukol sa pagpuputol ng puno roon. Hindi makapaniwala, nasabi na lamang ni Piano na “isang pahiwatig at patotoo ang anunsiyo na naibenta na ang property.”

Kasunod nito, nabasa ni Piano ang palitan ng mensahe nina Paulino at isang Dhang Seyer Nosis sa social media na Facebook na binabanggit ang pagkakasangkot ng alkalde sa bentahan ng Calvary property sa SM City Olongapo.

Sa isang mensahe, inamin ni Nosis na ginamit nito ang koneksiyon at mga kaibigan sa DENR para  gawing “Private Property”  ang Calvary upang maibenta ito sa SM na milyon-milyong pisong halaga ang nakuha nina Paulino at isang alyas “TK” bilang komisyon.

”Gahaman ka (talaga) sa pera, wala ka pang isang salita, ‘di ka marunong tumupad sa usapan… Ginamit mo ako nang husto,” sabi ni Nosis sa Facebook account nito at idinagdag na, “Sabi mo ayusin ko ang Calvary, perahin ko. Bandang huli kayo nagkapera, ako ni singko walang nakuha. Di ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha. Sabagay, inubos mo nga pera ko noong election ‘di ba?”

Bilang pagkompirma sa pagkakasangkot ni Paulino sa bentahan ng Calvary sa SM, tinukoy ni Piano ang pagsertipika ni Balde sa pag-waive ng lungsod sa pag-angkin sa Calvary noong Setyembre 2, 2013 upang paboran si Aquino.

Dagdag ni Piano: “Ang nabanggit na waiver ay tunay na nakalulungkot dahil nagdulot ito ng kapahamakan at malawakang disadbantahe sa pamahalaan.”

Malinaw na may anomalya sa pagkakasangkot ni Paulino at iba pang opisyales ng Olongapo City sa pagkawala ng masasabing ari-arian na ng lungsod para lamang magkaroon sila ng komisyon sa SM.

 Nakapagtataka ang katahimikan ni Paulino hinggil sa isyu pero dapat niyang harapin ang mga kasong isinampa ni Piano at ang ngingit ng mga botante sa halalang 2016.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *