MATAPOS lapastanganin ang monumento ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal at babuyin ang Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) Terminal 1, ngayon naman ang Chinatown sa Binondo ang sinasalaula ng DM Consunji Inc. o DMCI.
Kung matatandaan, ang DMCI ang developer ng Torre de Manila na ipinoprotesta ng publiko dahil sinira nito ang view ng monumento ni Dr. Jose Rizal. Ang DMCI rin ang responsable sa tumutulong kisame sa NAIA terminal 1, matapos bumuhos ang ulan dahil sa hindi maayos na waterproofing sa mga bubong nito.
At ngayon naman, ang itinatayong gusali ng DMCI na The Prince View Suites sa Binondo ang inirereklamo ng mga resi-dente dahil sa pagbabara ng kanilang mga imburnal at kanal bunga ng maputik na tubig na ibinubuga mula sa ginagawang paghuhukay ng itinatayong gusali.
Nagtataka ang mga residente sa nasa-bing barangay kung bakit pinayagan ng Manila City Hall ang nasabing construction kahit walang barangay permit ang DMCI.
Sa kabila ng perhuwisyong idinudulot ng DMCI sa barangay, tulad ng trapiko at polusyon, patuloy at malaya pa rin sa kanilang ginagawang pagtatayo ng gusali.