Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna matatagalan pa (Mga Dabarkads matagal nang atat!)

 

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

060515 Vic sotto Pauleen luna

TUWING umaalis na lang ng bansa si Bossing Vic Sotto at ang gilrfriend na si Pauleen Luna ay kasunod na agad ang balita na nagpakasal na nang lihim ang dalawa.

Actually, last year pa lang ay may kumakalat ng ganitong news pero dahil wala namang nangyaring wedding ay medyo nanahimik ang isyu. Pero ngayong taon ay sunod-sunod na naman ang espekulasyon sa pagpapakasal ng dalawa. Lalo na’t tumulak na naman kahapon patungong Hong Kong ang magkarelasyon kasama ang kanilang Dabarkads sa Eat Bulaga at mga Big boss sa Tape Incorporated, iniisip na naman ng iba na may kasalan na talagang magaganap ‘e ang totoo, birthday treat ng presidente ng Tape na si Sir Tony Tuviera kay Bossing Vic ang trip nilang ‘yun sa Hong Kong. Saka mismong mommy na ni Pauleen ang nagkompirma na hindi pa nagpapaalam si Bossing sa kanila kaya malamang matatagalan pa raw ang inaasam na kasalan ng lahat specially ng Dabarkads fans ni Bossing. Twenty six years old na pala si Pauleen at nasa 5o’s naman niya si Bossing so meron pa naman time kung tutuusin.

So hindi natin sila dapat pine-pressure at buhay naman nila iyan. Saka ang pinaka-importante ay masaya ang dalawa sa kanilang relasyon at sapat na muna ito sa ngayon.

Oo nga naman gyud!

SUMMER ESCAPADES NI ALENG MALIIT SA KANYANG “THE RYZZA MAE SHOW” NAGPASAYA SA MGA VIEWER

Last week ay ipinakita ang ilang summer escapade ni Aleng Maliit sa kanyang “The Ryzza Mae Show” na nakasama niya sa magkahiwalay na episode si Dabarkads Ruby Rodriguez at TV host and retired swimmer Akiko Thomson. Kasama ring natunghayan sa show ‘yung ginawang adventure ni Ryzza sa Art In Islands, ang pinakamalaking 3D Museum sa Asya kung saan kunwari ay nagsu-surfing siya at nakasuot ng sirena attire na feel na feel niya.

Sobrang nag-enjoy naman ang youngest talk show host sa tour niya sa house ni Ruby. Inikot nila ang buong kabahayan ng kanyang Ateng Ruby habang sila ay nagchichikahan.

Exciting ‘yung ginawa nila ni Akiko, na tinuruan siya ng iba’t ibang technique sa paglangoy. At kabilib-bilib talaga si Ryzza dahil nagagawa niyang dalhin nang maayos ang kanyang show, na animo’y matagal na siyang host sa telebisyon.

Kaaliw ang mga nasabing episode kaya naman masaya rin ang lahat ng viewers ni Aleng Maliit.

Napanonood pala ang The Ryzza Mae Show mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7 bago mag-Eat Bulaga.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …