Friday , November 15 2024

Itinayo naming paaralan ‘wag gibain (Apela ng IPs sa DepEd)

DAVAO CITY – “Matagal kaming naghintay sa gobyerno para magtayo ng mga paaralan sa aming komunidad, ngunit ngayo’y nakapagpatayo kami ng mga paaralan sa sarili naming pagsisikap, nais nila itong ipasara?” ito ang himutok ni Datu Kailo Bantulan sa press conference nitong Lunes.

Si Bantulan ay isa sa mga Datu (traditional leader) ng indigenous peoples organization na Salugpongan Ta’Tanu Igkanuon (Let us unite to defend our Ancestral Land).

Humingi ng tulong ang Salugpongan sa Rural Missionaries in the Philippines noong 1997 at pagkaraan ay isinilang ang Salugpungan Ta’Tanu Igkanugon Learning Center Incorporated (STTILCI).

Ang STTILCI ay dumami bunsod na rin ng kahilingan ng mga Lumad na sa kasalukuyan ay mayroon nang 36 paaralan.

Nitong nakaraang linggo, ang Department of Education Davao del Norte Division ay sumulat sa regional office na nagrerekomenda sa pagpapasara sa STTILCI, binigyang-diin ang isyu sa regulasyon, at gumawa ng letter of request mula sa Talaingod Municipal Tribal.

Ayon sa administrasyon ng paaralan, hindi sila binigyan ng due process.

Sinabi ni Ronnie Garcia, basic education head ng STTILCI, taon-taon silang kumukuha ng permit to operate at certificate of recognition mula sa DepEd regional office mula 2007 hanggang 2013.

“In 2013, the DepEd released the Department Order 21 series of 2013, which meant that we have to directly submit to the National Office through the Indigenous People’s Education office,” pahayag ni Garcia.

Sinabi ni Datu Bantulan, ipinahayag sa kanila ng mga tropa ng Army na susunugin ang kanilang mga paaralan at papatayin ang mga guro dahil sila ay mga komunista.

“The schools became a target of the military because the schools became a symbol of the tribe’s resistance,” diin ni Garcia.

Samantala, sinabi ni Jinky Malibato, 15, Grade 5 pupil, hinaharang ng mga sundalo at paramilitary group ang kanilang mga guro sa pagpasok sa kanilang mga komunidad.

“Dapat nilang payagan ang mga guro na makapasok upang maipagpatuloy ang aming pag-aaral, upang matupad ang pangarap kong maging guro,” aniya.

Ang Malibato, ino-operate ng Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc. (Misfi) Academy, ay nasa Manobo community ng Sitio Muling sa Brgy. Gupitan, Davao del Norte.

Katulad sa Talaingod, nagbuo ang mga Manobo ng Kapalong ng kanilang samahang Karadyawan at humingi ng tulong sa NGO upang makapagpatayo ng mga paaralan, grain drier, water system at corn mill.

Ayon kay Datu Mintroso Malibato, spokesperson ng Karadyawan, sinabi ng mga tropa ng gobyerno na ang kanilang mga estruktura ay pag-aari ng New People’s Army.

Aniya, ginawa ng military ang nasabing alegasyon laban sa kanilang pinaghirapan dahil nais nilang magkaroon ng plantasyon sa lugar. Tinuligsa ni Rius Valle, spokesperson ng Save Our Schools Network (SOS), ang pagpapasarang inirekomenda ng DepEd Davao del Norte Division.

Aniya, ang military ang nasa likod ng nasabing closure order dahil inianunsiyo ng DepEd na magpapatayo sila ng mga paaralan na pangangasiwaan ng military parateachers.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *