Thursday , December 26 2024

Hindi kaya anghel si Grace Poe na ipinadala sa lupa para sa 2016?

00 pulis joeyHA ha ha ha… mukhang nagkamali sa pagpili ng isyu na panggiba kay Senadora Grace Poe ang kampo ni Vice President Jojo Binay.

Oo, ang ipinakalat ng kampo ni VP Binay na “stateless” o walang bansang kinabibilangan bansa si Senadora Grace Poe dahil inabandona lang sa  loob ng simbahan at ampon lang nina Susan Roces at late action star Fernando Poe Jr.,  ay lalong nakakuha ng simpatya ng mamamayan lalo sa habay ng kababaihan.

Alam n’yo naman tayong mga Pinoy, likas na maawain.

Sa investigative report ng ABS-CBN reporter, ang sanggol noon na si Sen.  Grace ay napulot sa loob ng simbahan sa Jaro, Iloilo na mayroon pa umanong dugo sa katawan, palatandaan na bagong panganak lang at isang Ilonggo ang ina o ama nito.

Sa pagkapulot sa sanggol, dumaan ito sa maraming kamay ng kung sino-sinong mga magulang na nag-aruga hanggang mapunta at ampunin ng mag-asawang Susan at Fernando Poe Jr.

Pinag-aral si Grace sa Amerika at bumalik sa Pilipinas noong 2005 nang yumao ang kanyang kinikilalang ama, si FPJ na tinaguriang “Da King” ng Philippine movie.

Bago napunta sa politika, si Grace ay itina-lagang tserman ng  MTRCB.  Kumandidato si-yang Senador noong 2013 sa tiket ng Liberal Party (LP) ni Pangulong Noynoy Aquino. Nag-number one siya sa senatorial.

At ito ngayon si Sen. Grace Poe, ang tila destiny niya ay maging ikatlong lady president ng Pililipinas.

Inamin ni Grace na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala ang tunay niyang mga magulang. Ito ang wish niya, mikalala ang babaeng nagluwal sa kanya.

Teka, kung sa loob ng simbahan napulot ang sanggol noon na Senadora ngayon, hindi kaya isa siyang anghel na ipinadala sa lupa para isalba ang Pilipinas sa mga kamay ng mandarambong at kriminal pagdating ng 2016?

Ang mga batang ampon o lumaki sa ampunan ay likas na matitigas ang damdamin pagdating sa paninindigan. Kita n’yo naman kung paano nanindigan si Grace sa kanyang mga ginawang imbestigasyon sa PNP-SAF 44 at pagtangging maging running mate ni VP Binay?

Tingnan n’yo si retired Police General, ex-NBI Director, ex-DILG Secretary, ex-Senator at ex-Manila Mayor Atty. Alfredo S. Lim, lumaki rin sa bahay-ampunan at nag-working student. Kung sa tigas lang ng pani-nindigan, tuwid na pamumuno at kabutihan ng kalooban, wala ka nang hahanapin pa sa isang Fred Lim.

‘Yan ang mga batang ampon! Mabubuting lider o opisyal ng pamahalaan.

Para kay Col. Estomos ng Cavite PNP

– Mr. Venancio, paki-advise ang PPO Cavite: Col. Jonnel Estomos, yung mga bata mo sa Kawit PNP sa PCP Binakayan laging nakasara sa gabi at ang inaatupag ay pumara ng mga nakamotorsiklo na walang helmet tapos delihensiya lang! -09252558…

Ang PCP ay dalat 24/7 ‘yang bukas at may pulis…

Hanga kay VP Binay, noon…

– Sir Joey, gud am po. Noong una ay hanga ako kay Binay sa galing nya. Pero ngayon nagbago na ang isip ko. Takot ata sila kay Sen. Grace mas lalo na yang si Tiangco. Mas lalo na siguro pag magdeklara na sya, pulutin sila sa kangku-ngan. Kami dito, Grace kami.

– From Baseco (Port Area, Manila)

Si Mar Roxas ang dapat sa 2016!

– Sir Joey, kung galing sa pamumuno, talino at linis ng track records sa public service ang ating titingnan, wala nang tatalo pa kay Mar Roxas. Kaya siya ang dapat nating iboto sa 2016. Kami mga Ilonggo dito sa Maynila, Roxas kami. – Mar Reyes, Divisoria vendor, 09079958…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *