Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerphil Flores, iniwasan daw ni Kris

 

UNCUT – Alex Brosas . 

060515 gerphil flores kris aquino

SA tingin namin ay iniwasan ni Kris Aquino si Gerphil Flores, ang Pinay grand finalist sa Asia’s Got Talent.

Marami ang nag-abang sa pagkikita ng dalawa pero hindi ito naganap. Tanging si Boy Abunda lang kasi ang host noong Miyerkoles ng gabi, wala si Kris dahil papunta ito ng Singapore to celebrate the birthday of her son Joshua.

Maganda sana kung nagharap sina Kris at Gerphil. Kaabang-abang ang episode na iyon lalo pa’t marami ang naimbiyerna kay Kris nang muling mag-surface ang Youtube video ng pagsali ni Gerphil sa Pilipinas Got Talent noon.

Inilaglag ni Kris si Gerphil sa semi-finals at mas pinili nito ang contestant na si Sherwin. Mukhang na-turn off kasi si Kris sa classical piece na inawit ng dalaga. Pinagsabihan pa niya ito na pumili ng age appropriate song. Iyak nang iyak si Gerphil sa nangyari.

Nagkaroon ng comparison nang sumali si Gerphil sa Asia’s Got Talent. Naging katawa-tawa si Kris sa kanyang age-appropriate aria dahil wala namang ganoong komento ang mga judge. Namangha pa nga sila sa galing ni Gerphil. Si David Foster nga, sa sobrang paghanga ay pinindot ang golden buzz kaya nakapasok kaagad ang dalaga sa semi-finals.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …