Sunday , December 22 2024

Ceasefire apela ng Binay camp kay Grace Poe

NAIS nang tapusin ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang umiigting na pakikipagbangayan kay Sen. Grace Poe. 

Sa press briefing, humarap si Makati Rep. Abi Binay bilang kinatawan ng kanyang pamilya at nagpahayag nang kahandaang makipag-usap kay Poe upang makipagkasundo. 

Aniya, mahirap para sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ama na makipagbangayan sa senador. 

“Gusto ko nang tuldukan kasi nagkakainitan na. Dati kasi kaming isang grupo, isang pamilya kami kaya ayaw naman nating palalain pa ‘yung sitwasyon. At the end of the day, meron kaming pinagsamahan,” sabi ng batang Binay. 

Si Poe ay anak ng yumaong si Fernando Poe Jr., na kilalang kaalyado ng mga politikong bumubuo ngayon sa United Nationalist Alliance (UNA) ng mga Binay. Matatandaang tumayo pang campaign manager ni FPJ si Vice President Binay. 

Nagsimula ang sagutan ng dalawang kampo nang sabihin ni Poe na ayaw niyang maka-tandem sa 2016 ang bise presidente.

Lalo pang nadesmaya ang kampo ng mga Binay nang makipag-usap ang senador kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na sinasabing tatakbo sa 2016.

Giit ng mga tagapagsalita ng mga Binay, kung tatakbo man si Poe, dapat ay kumandidato siya kasama ng mga ka-alyado noon ng kanyang ama.

Lalong umigting ang sigalot nang ilabas ni UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco ang kopya ng certificate of candidacy (COC) ni Poe noong 2013. 

Ayon kay Tiangco, kung pagbabatayan ang dokumento, lalabas na kapos si Poe sa itinakdang 10 taon paninirahan sa bansa para maging kandidato sa pagka-presidente o bise presidente. 

Bagama’t nilinaw ni Poe na hindi pa siya nagdedesisyon kung tatakbo sa 2016, iginiit niyang kaya niyang patunayan na kwalipikado siyang tumakbo sa pagka-Pangulo. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *