Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bombay todas sa parking boy (Naningil sa pautang na 5/6 )

PATAY ang isang Indian national makaraan pagbabarilin ng parking boy na siningil niya sa pautang na 5/6 kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Las Piñas Doctor’s Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg at dibdib ang biktimang si Pavitar Lal y Pindi, nasa hustong gulang, may asawa ng Gold St., Bernabe Subd., Sucat, Parañaque City.

Habang naaresto ng mga barangay tanod at mga awtoridad ang suspek na si Tito Navigar, 43, parking boy, naninirahan sa Openia St. Brgy. Baclaran ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Adolfo B. Samala Jr., hepe ng Las Pinas City Police, dakong 10:35 a.m. nang maganap ang insidente sa Joshua St., Lim Court, Phase 5, Brgy. Manuyo Dos, Las Pinas City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rene Mollenido, nagtungo si Lal sa Joshua St., Lim Court sa nasabing lugar upang singilin ang suspek ngunit imbes magbayad ay pinagbabaril ang biktima.

Nagtangkang tumakas ang suspek ngunit naaresto ng nagpapatrolyang sina PO3 Marjhune Mendoza at PO3 Rogelio  Abala Jr.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …