MINSAN nang naugnay ang noo’y aktibong aktor pang ito sa isang may-edad ng babae. Since then, wala nang nabalitaan pa tungkol sa kanyang lovelife until he entered local politics.
Sa ngayon, hindi man gaanong visible ang aktor na ito sa limelight ay buhay pa rin ang kanyang showbiz connections. Sa public service na kasi nakatuon ang kanyang pansin, isang larangan na—in fairness—ay napanagumpayan niya.
Nagsisilbing showbiz link niya ngayon ang isang taong nakasama niya noon sa industriya, na ang lugar ng kanilang madalas na pagtatagpo ay somewhere in Quezon City—at hindi sa lugar na nasasakupan ng aktor.
And why? May mas batang babaeng kinakasama na kasi ang aktor-politikong ‘yon na nadatnan mismo ng kanyang showbiz link. Ewan kung asawa ‘yon o mistress ng mahusay na aktor na itago na lang natin sa alyas na Nathaniel Dormiendo.