Friday , November 15 2024

7 menor de edad kinatalik Kano arestado

CEBU CITY – Inilunsad ng Bogo City Police Office ang crackdown laban sa grupo ng human traffickers na kumikilos sa lugar makaraan nahuli ang isang American national na may ikinakanlong na pitong menor de edad sa loob mismo ng kanyang bahay.

Sinabi ni Childrens’ Legal Bureau spokesperson Atty. Noemi Truya, tinutugis pa ang mga kasamahan ng suspek na nambugaw ng mga batang biktima.

Kinilala ang dayuhan na si Harold Glover, 68-anyos, US citizen, residente ng Georgia, USA, ngunit 10 taon nang naninirahan sa bansa.

Kamakalawa ng gabi, pinasok ng mga tauhan ng Bogo City police ang pamamahay ng suspek sa bisa ng search warrant, sa Brgy. Taytayan, Bogo City, Cebu.

Sa loob ng bahay ay naaktohang nakahubad ang dalawang batang babae at ang dayuhan ay nakasuot lamang ng brief.

Narekober din ang celphone ng suspek na may mga sex video ng mga biktima.

Nabatid na pinaasa ng mga bugaw ang mga bata na tuwing maki-kipag-sex ay may bayad na P1,800 at kapag hipo-hipo lang ay may bayad na school requirements na nagkakahalaga ng P700.

Inamin ng Children’s Legal Bureau na noong Disyembre ng nakaraang taon ay nakatanggap ng impormasyon ang kanilang ahensiya na laganap ang human trafficking sa lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *