Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, ‘di raw nag-e-expect na maging grand winner sa YFSF

 

060315 Edgar allan melai JR nyoy

00 fact sheet reggeeNAKATUTUWA si Melai Cantiveros dahil maski na yata sabihin mong sikat siya ay hindi pa rin pumapasok sa ulo niya at idadaan lang niya ito sa biro.

Tulad sa sinabi namin sa kanya na malaki ang laban niyang maging grand winner sa Your Face Sounds Familiar dahil bilangan ito ng boto.

Hindi imposibleng manalo talaga si Melai dahil siya ang grand winner sa 2009 Pinoy Big Brother Double Up at sa pamamagitan din ng text votes kaya siya nanalo at malalaman ito sa Sabado, Hunyo 6 na gaganapin sa Resorts World.

“Hala, hindi naman ako naniniwala, pero happy na ako, uy! Well sana nga, pero malalakas sila (Nyoy Volante, Jay R, at Edgar Allan Guzman).

“At saka hindi ako nag-e-expect, uy, alam mo naman ako, enjoy-enjoy ko lang lagi ‘yung ginagawa ko r’yan sa ‘Your Face Sounds Familiar’ na ‘yan. I believe if it’s the will of God, go!” nakangiting sabi sa amin ng komedyana.

Inamin ni Melai na talagang hindi pa rin siya naniniwala na nakapasok siya sa Final 4 dahil nga pawang negatibo ang narinig niya sa launching ng YFSF, “hindi ko nga ini-expect na nandoon ako sa top 4 kanina (presscon), kasi ‘di ba last presscon (launching ng reality show) ang daming nagsabing, ‘ano ba ‘yan bakit nandiriyan si Melai’ kasi nga hindi ako singer, tapos kita mo, nalagay pa ako ngayon (final 4), so it’s a miracle talaga.

“Siyempre mayroon napapatawa ang tao, hindi naman basta-basta (madaling) magpatawa ng tao, hindi ko naman alam na natatawa na sila, kaya it’s a miracle na talaga,” dire-diretsong sabi ni Melai.

Saktong-sakto ang mga music icon na ginagaya ni Melai kaya tinanong namin kung sadya ba itong ibinibigay sa kanya.

“Hindi ko po alam, sakto talaga sa akin? Sila (management) ang nagde-desisyon, hindi kami, so pagbunot namin, depende sa kanila, kasi nga ‘yung Grace Jones, hindi ko naman kilala, nasuwertihan lang ako sa Elizabeth Ramsay na ibinigay nila, Shirley Bassey hindi ko kilala ‘yun, Fred Panopio hindi ko rin alam ‘yun,” kuwento ng aktres.

Hmm, so posible nga nga Ateng Maricris?

Kay Fred Panopio raw sobrang nahirapan si Melai, “oo kasi ‘yung boses niya na (yodeling), eh, mababa lang naman boses ko.”

Isa sa pinakamasaya ay ang asawang si Jason sa pagkakapasok ni Melai sa Final 4.

“Sobrang happy siya kasi success na naman ‘yung ginawa ko, ‘pag napapanood niya ako, kini-kiss niya ako, sabi niya (Jason) ang galing mo.

“Kasi ayaw niyang inuutusan mo siyang gawin na i-kiss niya ako, siya kusang loob niya at sabi niya, ‘I love you babe’” kinikilig na kuwento sa amin.

Hindi ba insecure si Jason sa asawa kasi mas sikat sa kanya.

“Ay hindi, basta happy siya, hindi siya insecure. At saka grabe rin naman ang kasikatan niya sa ‘Forevermore’ bilang si Orly. So, walang insecurity siya, wala naman kaming ganoon. Happy kami sa isa’t isa,” pagtatanggol ni Melai sa asawa.

At ang gagawin daw niya sa perang mapapanalunan niya sa YFSF kapag siya ang grand winner.

“Siyempre, priority ang anak, siyempre ang savings. May savings naman na ako, hindi ko naman sinasabing marami, pero para sa tulad kong contended wife and mother, thank You Lord, okay na,” say ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …