NAITULAK sa defensive position ang Liberal Party nang biglang pumutok ang istorya ng isang umano’y Chinese ‘crime lord’ na ginamit ng Malacañang para mamudmod ng payola sa mga mambabatas sa Kamara sa panahon na tinatalakay ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayaw man patulan dahil salat sa katotohanan, walang magawa ang Malacañang kundi ang magpaliwanag dahil mayroong isang dokumento mula sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapatunay na kuwestiyonable ang tangkang pagre-release sa tinutukoy na Chinese crime lord na si Wang Bo.
Sa Wang Bo umano ay nagawaran ng release order nitong May 21 (2015).
Pero dahil nagprotesta ang Chinese Embassy, hindi nai-release si Wang Bo at idinetine na lang sa BI detention cell.
Kapalit umano ng tangkang pagre-release sa binansagang Chinese crime lord ang hindi kukulangin sa P540 milyones payola para sa BI (P100-M) at sa 292 mambabatas (P440-M) para mabilis na maipasa ang BBL.
What the fact!?
Mukhang kulang sa drawing at direksiyon ang pelikulang “PAYOLA SA BBL” ng oposisyon.
Bakit sina Immigration Associate Commissioners Gilbert Repizo at Abdullah Mangotara ang idinidiin gayong kasama sa pumirma ang mismong BI Commissioner na si Siegfred Mison!?
Dahil sina Repizo at Mangotara ay kilalang LP stalwarts at malapit sa LP inner core na si Mindoro Gov. Alfonso Umali?!
Kung totoong may payola, bakit kailangan gumamit ng Malacañang ng isang alien na kinukulapulan ng kontrobersiya gayong delikado at sensitibo ang payola ops?
Ganoon ba kahina ang utak ang sandamakmak na consultants ng Palasyo para gumamit sila ng isang dayuhan na wanted pa sa China?!
Sabi nga ng mga pangkaraniwang empleyado ng Immigration, hindi ang tipo ni Wang Bo ang tila masasangkot sa ganoong uri ng operasyon, na wanted sa China because of illegal gambling.
Mahirap i-establish ‘yang ‘haka-haka’ ng mga operator ng oposisyon. Kumbaga pilit na pilit ang pag-uugnay kay Wang Bo sa BBL.
Ang terminong ginamit sa news story ‘e mayroon daw “truckload of money” na ini-deliver sa Kamara noong gabi ng May 25.
Kaya raw noong Martes, May 25, unanimously approved sa Kamara ang Palace-backed BBL.
At pinagbintangan pa ang Kamara na binura sa CCTV ang record ng “truckload of money.”
What the fact again!?
May info pa tayong nakuha, na ang media ops na ‘to ay ginawa umano ng ilang media sulsoltant ‘este consultant diyan sa Immigration main office para lang siraan ang dalawang BI associate commissioner.
Ang pinakamabuti rito, ipatawag ni House speaker Sonny Belmonte si Commissioner Fred ‘dila’ Mison at isalang nila agad sa imbestigasyon kung bakit nakakaladkad ang Kamara sa ‘PAYOLA SA BBL.’
Ilang araw na lang at Hunyo 11 na, pero habang dumarating ang araw na ito, lalong nagkakahetot-hetot ang pagmamadali ng Palasyo para maipasa ang BBL.
Tumatsamba at nakasisilip ng butas ang oposisyon pero nangyayari lang ito dahil sa mga ‘weakest link’ sa administrasyon ni PNoy.
At sa palagay natin, isa sa mga ‘weakest link’ na ‘yan si Mison.
Alam n’yo na po ‘yan Gov. Boy Umali!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com