SA ikalawang season ng Health Matters na napapanood sa ANC tuwing Sabado, 8:00 p.m. at may replays ng Linggo, 11:00 a.m. ay natutuwa ang host nito na si Paolo Abrera (asawa ni Suzie Entrata-Abrera na nasa GMA 7).
Natatandaan n’yo pa ba si Paolo, siya ang modelong kinababaliwan sa San Miguel TVC Sabado Nights ni Ina Raymundo.
Pinasok din naman ni Paolo ang pag-aartista at naging partner nga niya si Ina pero mukhang hindi type ng asawa ni Suzie ang showbiz dahil mas pinili niyang maging TV host lalo na may kinalaman sa kalusugan.
Tulad sa darating na Hunyo5- 7, (Biyernes-Linggo), magkakaroon ng Natural and Organic Product Expo ang Health Matters TV Healthy Weekend sa Filinvest City, Alabang na may titulong Just For Run, Join The Fun (Be Part Of A Cause) at sa mga sasali sa 3Krun ay may bayad na Php400; 5Krun Php500, at 10Krun Php600 at sa mga kaukulang katanungan ay maaaring tumawag sa 0998-566-4840.
Ang Just For Run, Join The Fun ay sponsored ng Filinvest City, PCCI Muntinlupa City, Inc, Vivere, Walter, Uratex, Hawk, Nyogi, Toby’s, Runnr, Festival Supermall, Bioessence, Fern C, Aquabest, Sogo, Blackview, Gatorade at marami pang iba.
FACT SHEET – Reggee Bonoan