Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eula at Shaira Mae, nagkaka-inggitan sa TV5 projects

 

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu .

060415 eula caballero Shaira Mae

NAKALIMANG Wattpad Presents episode na si Eula Caballero at pantay sila ni Shaira Mae na ayon sa kanya, hawak na nito ang korona dahil busy ang huli sa kanyang Baker King.

“Salamat sa ‘Baker King’ dahil ito ngayon ang pinagkakaabalahan ni Shaira kaya wala na siyang time mag-taping ng ‘Wattpad’ he he he,” paeklay nito pero bigla namang bawi nang sabihing siya na ngayong ang paborito.

Aniya, “Hindi naman siguro dahil paborito ako. Nagkataon lang siguro na gusto nila akong bigyan ng kakaibang karakter. Siguro kapag may karakter na kakaiba, siguro ako ang naiisip nila. Ngayon negrita naman ako na nagsisilbing maid sa isang Korean family. Fortunately, may mga kaibigan akong half Koreans lang. Very bubly sila at nalaman ko ito nang pumunta ako sa Korea. Hindi sila nalalayo sa mga Japanese na mga animated. Para silang mga bata, sobrang masasaya.”

Sa latest ng Wattpad Presents Maid For Korean Boys, isa siyang run-away girl dahil pilit siyang ipinakakasal ng kanyang parents sa lalaking ayaw niya. Sa totoong buhay kapag nangyari ito sa kanya, ang una raw niyang gagawin ay kausapin ang mga magulang. “Sasabihin ko sa kanila kung ano ‘yung at stake. Sasabihin ko sa kanila kung hindi nila kayang tanggapin kung sino ang gusto ko, lalabas na lang muna ako sa bahay. ’Pag kalmado na sila at mas open na sila to clear me out, babalik na ako ng bahay kasi pangit naman ‘yung nasa isang bahay kayo pero ‘di mo naman kayang respetuhin ang desisyon ng mga magulang mo. Mas mabuti pang magpa-miss muna kami sa isa’t isa para ma-realize na malungkot kung hindi kayo magkakasama bilang isang pamilya.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …