Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique, ‘di na raw sanay na ‘di kasama si Liza

 

UNCUT – Alex Brosas .

041515 enrique gil liza soberano

ANG feeling ni Enrique Gil ay malaki talaga ang naitulong ng soap opera nilang Forevermore sa kasikatang tinatamasa nila ngayon ni Liza Soberano.

“Noong nagte-taping kami wala kaming alam sa lahat. Hindi namin alam ang reaction ng mga tao. Sabi lang namin, basta enjoy lang tayo. Para kaming naging pamilya roon kasi sa bundok kami lang ang magkasama. Sa bonding na ‘yon na kami-kami lang ay doon kayo naging close. Everybody got to know everybody more. ‘Yung truthfulness dahil sa situation na ‘yon ay na-feel ng tao siguro,” esplika niya kung bakit nag-hit ang teleserye nila.

Ngayon, big time na ang dalawa dahil mayroon na silang launching movie, ang Just The Way You Are.

Inamin ni Enrique na nade-develop na siya kay Liza.

“Noong sa Baguio noong nagkuwento siya sa akin about her life. Roon nabuo ’yung respeto ko sa mga pinagdaanan niya. Tapos ’yung nag-trust siya sa akin tungkol sa buhay niya. So medyo mas lumalalim na ’yung pag-uusap namin, so roon nagsimula,” chika ni Enrique.

“Noong una na nakilala ko siya, nag-hi nga lang ako pero hindi ko masyado napansin,” dagdag pa niya.

Okay lang para kay Enrique na hindi pa niya puwedeng maligawan si Liza.

“Everyday magkasama sa taping. Kapag wala kayong taping, nami-miss niyo ang isa’t isa kasi hindi ka sanay na wala siya. So roon nagsimula,” sabi niya.

Itsinika rin ni Enrique ang iba pang natuklasan niya kay Liza gaya ng pagkakaroon nila ng common interest.

“Pinakanagustuhan ko po sa kanya, akala ko noong una niloloko niya ako, ay ’yung mga favourite and dislikes niya. Like flavors ng chocolates, ice creams, parehas kami.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …