MISMONG kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang naniniwalang hindi nila maihahabol sa Hunyo 11 ang pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
“Kung ako tatanungin mo, honestly, ‘yung June 11 [deadline] is really a wishful thinking,” ani House Majority Leader Rep. Neptali Gonzales II.
Banggit niya, siguradong malaki na ang kakaining oras ng debate pa lang sa plenaryo lalo’t 31 pa ang nagpalistang mag-i-interpellate.
“Ang nagpalista na mag-iinterpellate ay 31. Siyam sa minority, dalawa sa independent at 20 sa majority at maraming mag-i-interpelate sa majority.”
Sabi niya, “‘yung June 11, hindi naman kami ang nagtakda niyan. We will give it our best shot but as to whether that will come about sa 31 na nag-register to interpellate, bigyan mo lang ng tig-iisang oras ‘yan edi 31 oras na ‘yun.”
Sa panayam kay House Speaker Feliciano Belmonte, pagbibigyan nilang lahat ang naturang mga mambabatas na nais magtanong ngunit pinaalalahanan niya na dapat ay nasa maayos na pamamaraan.
Jethro Sinocruz