Friday , November 15 2024

Baliw nanaksak daliri ng biktima nginuya, kinain

VIGAN CITY – Pinaniniwalaang kinain ng isang may diperensiya sa pag-iisip ang daliri ng lalaking kanyang sinaksak sa Brgy. Baliw Daya, Sta. Maria Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si John Proseso Bacalso, 20, habang ang suspek ay si Reynante Velasco, 21, parehong residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Senior Inspector Marcelo Martinez, chief of police ng Sta. Maria PNP, nanonood ang biktima ng telebisyon sa kanilang bahay nang mapansing may nagbukas sa kanilang gate.

Tinanong ng biktima kung ano ang kailangan ng suspek ngunit imbes sumagot, bigla siyang hinabol at sinaksak ng kutsilyo sa kanyang mukha, leeg, tagiliran at braso.

Lumaban si Bacalso dahilan para lalong manggigil ang suspek, kinagat ang daliri ng biktima hanggang maputol.

Pinaniniwalaang kinain ng suspek ang daliri ng biktima dahil hindi niya ito iniluwa makaraan nguyain.

Pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip ang suspek.

HNT

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *