SINO nga ba kina Mark Neumann at Vin Abrenica ang unang inalok para maging bida sa Baker King?
Sa Happy Truck Ng Bayan launching ay kinausap namin ang head ng Entertainment division ng TV5 na si Ms. Wilma V. Galvante para siya na mismo ang magsabi kung sino sa dalawang produkto ng Artista Academy ang inalok.
Bagamat may nakausap na kaming ibang TV executive ay minabuti naming sa big boss sa production na ang magklaro.
Nag-iiyak kasi si Vin dahil sobrang nasaktan ng hindi mapasakanya ang Baker King.
“Talaga, nag-iiyak siya?” say ni Ma’am Wilma sa amin.
“Kapag nagka-casting ka, pinag-aaralan mo sa lahat ng talent pool mo kung kanino maganda ang role, ‘di ba? So, hindi ko idi-deny na ikinonsidera ko lahat (artista) ‘yan, hindi lang si Vin, may iba pa. At the end of the day, you’ll give the role to the talent who can best empathize to the character and we found it in Mark Neumann.
“Kung alam lang nating lahat ‘yung kung paano siya (Mark) lumaki up to this day, he longs for his mother, nagtinda siya ng sabon, ‘mga ganyan. If an actor now has experienced these in his life, well, para sa akin, sure na ako na makaka-empathize siya sa character na ipo-portray niya.
“Tapos, bagay naman siya, ‘yung personality niya and despite all that, maganda naman ang disposisyon ni Mark Neumann, so I give it to him, pero it doesn’t say na Vin is not deserving, he is also a good actor, in fact I find him a very, very good actor now, he’s very disciplined.
“Sabi nga ni direk Mac (Alejandre), ‘di ba? There is space in this industry for actors to portray more role and one of these days, may gagawin namang matinding role si Vin sa TV.
“Walang intrigahan doon, so puwedeng nag-iiyak siya kasi it’s a plum role, kahit na sino gugustuhin ‘yun.
“Naisip ko nga kung sa ibang channel (network), sino kayang gaganap doon? Any good actor will go for that role,” paliwanag ni WVG.
Tinanong namin kung nanonood din si Ms. Wilma ng mga programa ng ABS-CBN at GMA 7 at sinagot naman kami ng, “nanonood.”
“Siyempre pa-ganoon-ganoon (lipat-lipat), nasusundan ko. Nanonood ako talaga.
“As always I watched kasi I want to see the different at saka ‘yung programing, ganyan. Inspite of work, nasusundan ko talaga, no particular shows (sinusundan). But if you ask me, I know all the shows. Trabaho, eh.
“At sa TV5, siyempre I watch ‘Baker King’.”
Hindi raw talaga nagmimintis si WVG sa panonood ng mga programa ng ibang channel at nalaman namin sa taga-TV5 na may tatlong telebisyon sa opisina ang TV executive.
Tinanong din namin kung hanggang kailan ang Wattpad, “maganda siya, diretso lang kasi may equity na siya property na talaga siya ng TV5, kumikita naman. Awareness mataas na, kapag pumunta ka sa schools alam nila ‘yung ‘Wattpad presents’ natutuwa ako kasi ang tagal mag-establish ng shows, dami-dami kasi.
“Tapos ‘yung mga ano, palit ng palit, sandali lang kaya nakakatuwa kasi kapag sinabi mong TV5 at anong shows ang gusto nila, sasabihin nila, ‘Wattpad’.”
Wala ng ikalawang season ang Confession of A Torpe maski na nag-rate ito, pero ang Celebrity Dance ni Ms Lucy Torres-Gomez ay, “Siguro next year (2016), natapos na kasi kami sa dance, nag-‘Move It’, ‘di ba this year (2015),” say ni WVG.
FACT SHEET – Reggee Bonoan