SA HARAP ng mga asendero at malalaking negosyante, nagsalita na si Judy Araneta-Roxas, ang pinakamamahl na nanay ni Interior Sec. Mar Roxas. Sinabi ni Judy na tatakbo ang kanyang anak sa 2016 presidential elections.
Sinabi pa ni Judy na ang kanyang anak ay tapat at may kakayahang patakbuhin ang Pilipinas.
At sa harap naman ng mga kapos-palad na mga kabataan, sinabi ni Korina Sanchez, kabiyak ni Mar, na ang kanyang asawa ang “most qualified” sa mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksiyon.
Sa harap ng mga sugar baron, ipinakita na tunay na nagmamahal si Judy sa kanyang anak na si Mar. At sa harap naman ng mga tsinelas na ipinamimigay ni Korina sa mga kabataan, tunay ding nagmamahal siya kay Mar.
Ang problema na lang ngayon ni Mar ay kung papaano siya mananalo kay Vice President Jojo Binay. Hindi mapanghahawakan ang basbas ni Pangulong Noynoy Aquino sa sandaling ideklara si-yang standard bearer ng Liberal Party.
Winnability ang problema ni Mar. Kaya kailangang overhaul ang gawin ni Mar sa kanyang kampo sa tulong na mismo nina Judy at Korina. At para maging maayos ang takbo ng kampanya ni Mar, unahin na niyang sibakin ang mga palpak na political adviser pati na rin ang kanyang media group.