NANAWAGAN ang isang grupong nagsusulong ng good go-vernance sa Senado para imbestiga-han ang umano’y kasunduan sa pagitan ng state-owned na IBC-13 at RII Buil-ders Inc. – Primestate Ventures Inc. sa development ng da-ting Broadcast City pro-perty sa Quezon City.
Ayon kay Joe Villanueva ng Philippine Crusader for Justice (PCJ), nais nilang humingi ng saklolo sa Senado para magkaroon ng public hea-ring upang alamin ang mga pinakahuling kaganapan sa kasunduang pinirmahan noon pang Marso 24, 2010.
Kinompirma ni Villanueva na natuklasan ng Commission on Audit (COA) ang agreement sa pagitan ng IBC-13 at RII Buil-ders Inc. – Primestate Ventures Inc. ay hindi mabuti para sa gobyerno kaya’t dapat itong masilip ng Mataas na Kapulu-ngan.
Ang kasunduan ay pinasok umano ng IBC-13 at RII Builders Inc. – Primestate Ventures Inc. noong Marso 24, 2010 para i-develop ang 36,401 ng 41,401 sq. m. ng IBC-13 property sa Broadcast City, Capitol Hills, Diliman, Quezon City at ga-wing residential complex ang nalalabing 5,000 sq. m. para naman sa konstruksiyon ng dalawang gusali ng IBC-13.
Nakasaad din sa kasunduan na ang RII Builders Inc.-Primestate Ventures Inc. ang magtatayo ng condominium buildings at kikita umano mula sa mapagbebentahang unit.
Nauna nang kinondena ni Senate President Franklin Drilon ang kasunduang ito at tinawag pa ng beteranong senador na “midnight deal” ang kontrata dahil nabigo umano ang joint venture na makakuha ng mandatory review ng Privatization Council alinsunod sa Section 3 ng Executive Order No. 323, na nagtatayo ng Inter-Agency Privatization Council at Privatization Management Office sa ilalim ng Finance Department.
Sinabi ni Drilon dati, ang 3.64 ektarya ng lote sa ilalim ng kasunduan ay nagkakahalaga lamang ng P9,999.99 per sq. m. o P364M gayong nasa prime location ang lote.
Hindi rin naisumite ang valuation sa Commission on Audit -Technical Services Office para isagawa ang rebyu. Ang joint venture ay 15-taon kasunduan para i-develop ang mga lote ng IBC sa QC at magtayo ng condominium units, two-story commercial building at IBC-13 corporate building.
Ang RII Builders Inc. – Primestate Ventures Inc. ay magtatayo umano ng condominium units at 3.64 ektarya ay isasalin sa pa-ngalan nito at ang IBC-13 ay makakukuha lamang ng 5,000 sq. meters ng lote. Napag-alaman din na ang IBC-13 ay tatanggap ng Guaranteed Share in Revenues na P728-M pero P150-M cash na babayaran sa loob ng anim na beses, P450-M naman ang io-offset o gagamitin para bayaran ang R-II Builders – Primestate Ventures Inc., sa konstruksyon ng Broadcast City, roadways at iba pang estruktura habang ang natitirang P128-M ay babayaran ng da-lawang beses.
Ang nasabing kasunduan para kay Drilon ay hindi patas para sa gob-yerno dahil P278-M lamang ang mapupunta sa pamahalaan. Ang hindi pa katanggap-tanggap sa kasunduan ay lumalabas na ang share ng gobyerno sa revenue ay P728-M gayong P450-M ang gagamitin sa Builders-Primestate Ventures Inc.
Umaasa na lang ngayon ang grupo ni Villa-nueva na pag-uukulan ng pansin ng mga mambabats ang kanilang reklamo, lalo na si Senate President Franklin Drilon na may malasakit sa bayan.