Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parak, 1 pa patay sa cara y cruz (Isa pang pulis sugatan)

PATAY ang isang pulis gayondin ang isang lalaki na inaresto sa paglalaro ng cara y cruz, habang sugatan ang isa pang pulis nang pumalag sa aresto ang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang si PO2  Marlon Castillo, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-4) ng Las Piñas City  Police, at naninirahan sa 4 Seging St., Brgy. CAA ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa dibdib.

Patay rin ang suspek na si alyas Toto makaraan barilin ni PO1 Carlie Balan, ginagamot sa nabanggit na ospital dahil sa saksak sa katawan.

Nakakulong na sa Las Piñas City Police detention cell ang isa pang suspek na si Felino Cruz, 48, construction worker, naninirahan  sa 1043 Avocado St., ng nasabing lungsod.  

Base sa isinumiteng report kay Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong 12:13 a.m. sa Aratelis St.,  Brgy. CAA ng naturang lungsod.

Ayon kay  SPO1 Alvin P. Salasar, nang aarestohin ng mga pulis ang mga suspek, bumunot ng patalim si alyas Toto at inundayan ng saksak si PO2 Castillo.

Binaril at napatay si Toto ni PO1 Balan na nasaksak din sa insidente, habang naaresto si Cruz.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …