Parang kanta nga raw ni Phil Collins na True Colors na habang nagtatagal sa posisyon, lumalabas ang totoong kulay ni Immigration Commissioner Siegfred Mison.
Kamakailan lang ay hindi kukulangin sa 10 Intelligence officers and agents ang ipinatapon ni Mison sa mga Border Crossing Points ng Pilipinas!
Ang matindi rito, itinapon ang mga naturang empleyado nang walang malinaw na dahilan o kasalanan at higit sa lahat ay dinala sila sa mga delikadong lugar na WALA man lang matatanggap na overtime pay!
Whattafact!
Sa ginawang ito ni BI Commissioner bombay ‘este’ Mison, hindi lang daw karapatan ng mga kawani kundi pati na rin karapatang pantao ang tinapakan at niyurakan ng nasabing Commissioner?!
Sabi ng ilang Immigration Officers na naka-experience ng buhay diyan sa mga Border crossing points, gaya ng Tibanban, Taganak, Balabac, Batuganding at iba pa, “No man’s land” daw kung ituring ang mga lugar na nabanggit.
At kung mapupunta riyan, halos kalahati na raw ng paa mo ay parang nasa hukay.
Hindi na nga tumanggap ng overtime pay, itatapon pa sa malayo?!
Hindi lang daw ‘yang mga empleyadong nabanggit ang gustong todasin ng nasabing commissioner kundi para na rin niyang pinatay ang kinabukasan ng mga pamilya ng mga naapektohan.
Hinaing pa ng mga Intel agent: wala rin budget para sa board & lodging nila sa pinagtapunan sa kanila.
Paano na ang kanilang pamilya?
Nalayo na… wala pang sapat na perang matatanggap ang pamilya nila.
Ang lupeeet talaga!!!
Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang ginagawa ni Mison ay isang uri ng CONSTRUCTIVE DISMISSAL!
Tama ba Atty. Norman ‘libanan’ Tansinco?
Sa mga Intelligence personnel na tinamaan ng galit at ngitngit nitong si Mison, aba huwag kayong papayag na niyayapakan na ang inyong mga pagkatao!
Alalahanin ninyo na matagal na kayong nandiyan sa Bureau at iyang si Mison kung tutuusin ay dayo lang sa inyong teritoryo.
Matuto kayong lumaban dahil kinabukasan na ng pamilya ninyo ang nakataya!
Nariyan ang Ombudsman, Civil Service, RTC, DOJ, CHR, Office of the President at higit sa lahat ang media na tutulong sa inyo.
Magsama-sama kayo at lumaban para sa inyong karapatan!
Uulitin lang natin ang sinabi ni Edmund Burke — “All that is necessary for the triumph of evil is that goodmen do nothing…”
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com