NAGTUTURUAN ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng pagsusulong ng mga mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang ulat na nakipagkasundo sila sa isang Chinese crime lord para suhulan ang mga kongresista sa mabilisang pag-apruba sa Bangsamoro Basic Law (BBL)
Sinabi ni Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali, treasurer ng ruling Liberal Party at close associate ni Pangulong Benigno Aquino III, sina Deputy Commissioners Gilberto Repizo at Abdullah Mangotara, inakusahang nakipagkasundo sa Chinese crime lord na si Bo Wang, ay walang kinalaman sa nasabing deal.
“It’s Mison who made the deal with Wang,” pahayag ni Umali, tumutukoy kay Immigration Commissioner Siegfred Mison. “He turned the story around when the deal was discovered. Mison panicked.”
Aminado si Umali na sina Repizo at Mangotara, kapwa miyembro rin ng Liberal Party, ay malapit sa kanya, at siya ang nagrekomenda kay Repizo sa kasalukuyan niyang pwesto.
Dagdag ni Umali, isinumite na niya ang report kay Pangulong Aquino na nagbubunyag ng illegal activities ni Mison at sa katotohanan sa likod ng kasunduan kay Wang.
At bilang tugon sa report ng isang pahayagan nitong Lunes kaugnay sa ulat na gumamit ang administrasyong Aquino ng pondo mula sa sinasabing Chinese crime lord para sa campaign funds ng Liberal Party at para matiyak ang mabilis na pag-aapruba sa BBL, sinabi ni Umali: “I will no longer ask who your source was. It’s Mison. Everything that he pinned on his deputies was what he actually did. That’s all his doing. He pinned it on (his two deputy commissioner) because he was exposed.”
Nang sabihin sa kanya na kinatigan ng Justice Secretary na si Mison ang nagsulong para sa pagbabalik ng deportasyon kay Wang, tugon ni Umali: “Who is Secretary De Lima? Bata niya si Mison.”
Sa panig ni Mison, sinabi niya na handa siyang humarap sa ano mang imbestigasyon upang patunayan na wala siyang kinalaman sa nasabing kasunduan.
“I will reveal the truth that it was Chinese Embassy officials who officially relayed to me that Deputy Commissioner Repizo and other Immigration officials met with a representative of Wang and after that meeting, they pushed for the issuance of a release order,” pahayag ni Mison.
Dagdag ni Mison, makikita sa official records na si Repizo ang nagsulong para sa paglaya ni Wang.
Si Repizo, personal lawyer and province mate ni Umali, ay dating councilor sa Calapan sa ilalim ng LP. Tumakbo siya ngunit natalo sa vice mayoralty race noong 2010. Si Mangotara ay two-term congressman ng Lanao del Norte.
Kinatigan ni Umali ang dalawang deputy commissioners, na aniya’y sumusunod sa utos ni Pangulong Aquino na sundin ang “tuwid na daan.”
“That’s why when Mison learned that his deputies were made aware of his illegal activities in Immigration, he is now trying to impugn… them,” pahayag ni Umali.
“As LP treasurer and a close friend of the President, it is my duty to inform him of the truth. After all, Repizo and Mangotara are members of LP and I vouched for them to the President,” aniya pa.
Nang tanungin kung ano ang tugon ni Pangulo sa kanyang 10-page report, sinabi ni Umali, “The President told me not to worry because he believed me.”
Gayonman, iginiit ng opposition lawmakers ang imbestigasyon, idiniing ang alegasyong panunuhol ay may seryosong epekto sa isinasagawang debate kaugnay sa BBL.
“The allegations of corruption.. are not only serious but also have national security implications and require immediate and thorough investigation,” pahayag ni 1BAP Rep. Silvestre Bello III.
Gayonman, tinuligsa ng administration lawmakers ang ulat ng suhulan na anila’y black propaganda na naglalayong idiskaril ang BBL.
Sinabi ni Majority Leader and Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, ang ulat ay ‘puno ng butas.”
“That was absolutely false,” aniya.
Nauna rito, iniulat sa isang pahayagan na gumamit ang administrasyong Aquino ng pondo mula sa nabanggit na Chinese crime lord para makaipon ng campaign funds ang LP, at matiyak ang pag-aapruba sa BBL.
Sinasabing tumanggap ang mga mambabatas ng milyon-milyong cash mula Lunes hanggang Miyerkoles nitong nakaraang linggo, kasunod ng utos ng BI na palayain si Bo Wang na tinutugis ng Interpol at Chinese government kaugnay ng pagnanakaw ng $100 million.
“Unknown to the lawmakers, the funds they are receiving from the Palace to change their votes and blindly pass the BBL came from the leader of a crime syndicate in China,” ayon sa high-ranking official ng BI, na tumangging magpabanggit ng pangalan.