Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan, bida na sa Kanser The Musical

 

020515 michael p

00 Alam mo na NoniePATULOY sa paghataw ang career ni Michael Pangilinan! Sa ngayon ay tinatapos na ng magaling na singer ang se-cond album niya sa Star Records na posibleng ma-release raw this month.

Pero bukod sa pagiging singer/recording artist, sasabak na rin ang guwapitong talent ni katotong Jobert Sucaldito sa teatro. Bida na si Michael sa Kan-ser The Musical na mula sa Gantimpala Theater Foundation.

“Ako po ang lead dito as Crisostomo Ibarra at mag-start po ito sa AFP Theater. ‘Tapos, ito-tour sa iba’t ibang part ng bansa natin, pero uunahin ang Metro Manila.

“First time kong mag-thea-ter, first time kong aarte. Pero more on musical naman, kaya okay lang. Wala po akong linya o dialogues dito, puro kanta-han lang ito.”

Bukod dito, under negotiation na ang pagsabak niya sa pelikula. Posibleng lumabas si Michael sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako na hango sa kanta niyang naging isa sa finalists sa 2014 Himig Handog. Kung matutuloy ang planong isa-pelikula ito, tatampukan ito nina Edgar Allan Guzman at Michael. Si Direk Joven Tan naman ang magiging direktor nito, na siya ring sumulat ng naturang kanta.

Samantala, humahataw na rin sa gigs ang grupo nilang Harana Boys na bukod kay Michael ay binubuo nina Joseph Marco, Marlo Mortel, at Bryan Santos. Naging front act sila kamakailan ang Boyzone in Manila.

Kaya nagpapasalamat siya sa pagkakataong ibinigay sa kanila rito. “Isang malaking opportunity po na mabigyan ka ng pagkakataon na Pinoy, suma-ma sa international artist. Sana ay may kasunod pa ito,” nakangiting saad niya.

Sinabi rin ni Michael na dream niyang makasama o maging front act sila ni Brian Mcknight. “Ang pinakagusto ko po talaga ay si Brian Mcknight. Kasi, idol ko po talaga siya.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …