Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Soberano, na-conscious sa hubad na katawan ni Enrique Gil

 

060315 Enrique Gil Liza Soberano

00 Alam mo na NonieSOBRA ang pasasalamat ng teenstar na si Liza Soberano sa mga suwerteng dumarating sa kanya ngayon. Matapos maging big hit ang katatapos na teleserye nila ni Enrique Gil na Forevermore, ngayon naman ay ilulunsad na sila bilang ganap na bida sa pelikulang Just The Way You Are ng Star Cinema.

Hindi nga halos matapos sa kapapasalamat ang 17 year old na aktres sa mga tinatamasa niya ngayon. “Sobrang nagpapasalamat po ako sa viewers, dahil kung wala ang suporta nila ay wala akong mararating na kahit ano. Now heto, may movie pa ako. Kaya mara-ming salamat talaga sa kanila.

“Nagpapasalamat din ako sa manager kong si Tito Ogie Diaz, my ka-love team Enrique Gil, sa ABS-CBN for their trust in me, and kay Lord dahil sa lahat ng positive things na nangyayari sa buhay ko ngayon,” nakangiting saad ni Liza.

Ano sa tingin niya ang dahilan kaya naging matagumpay ang love team nila ni Enrique?

“Parang feeling ko ay naramdaman ng mga tao iyong sincerity. Kasi, being on the mountain together, na kami-kami lang, wala kang nakakausap na ibang tao. So, we all had to get along and get to know each other.

“And all we wanted in the beginning is just to have a great show and to be happy. We were just enjoying what we were doing and the people felt that. Si-guro also, ‘yung bonding namin, mas naging close kami. Kaya when we act, when we do our scene, we were very comfortable with each other,” wika pa ng Kapamilya aktres.

Nang usisain si Liza kung mayroon ba silang kissing scene ni Quen (Enrique) dito, nakatawang sagot niya ay, “Hindi po, seventeen pa lang po ako.”

Aminado rin si Liza na hindi siya komportableng maka-eksena si Quen na naka-topless ang binata. “Noong una, naiilang po ako,” nakatawang saad niya. “Oo naman po, kapag nakahubad na siya, nako-conscious po ako,” dagdag pa ni Liza.

Ginagampanan dito ni Enrique ang papel ni Drake, isang playboy at hotshot sa school na pinagpustahang mapaibig si Sophia (Liza) sa loob ng isang buwan.

Ang Just The Way You Are ay palabas na sa June 17. Ito’y mula sa direksiyon ni Theodore Boborol at tinatampukan din nina Yayo Aguila, Tonton Gutierrez, Sunshine Cruz, Yves Flores, Sue Ramirez, Marco Gumabao, Alex Diax, Jon Lucas, Miguel Vergara, Myrtle Sarrosa, Erin Ocampo at Kyra Custodio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …