Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug money babaha sa Pasay (Kap Borbie Part 3)

00 rex target logoSA PAGKAKAKULONG ni Barangay Captain Borbie Rivera dahil sa kasong murder, parang hinalong kalamay ang takbo hindi lamang ng politika sa lungsod kundi ang galaw ng underground economy ng siyudad patungkol sa illegal gambling, prostitution at droga.

Hindi malaman ng mga ilegalista sa Pasay kung sino na ang kanilang kausap.

Di malaman kung sino na ang may hawak ng timon na puwedeng sandalan gaya nang dati.

Si Kap Borbie kasi ang pangkalahatang ginamit na ‘front’ ng mga diyos sa nasabing lungsod.

Kap Borbie commands respect among the underworld characters ng Pasay mula sa maintainers ng club cum putahan, illegal gambling operators hanggang sa mga bigtime na tulak.

Isang salita lamang ni Kap Borbie ay parang batas nang sinusunod ng mga ilegalista.

Hindi exempted dito ang mga pulis ng Pasay. Patunay lamang ang pagkakasibak ng hindi iilang chiefs of police (COPs) na lumaban sa ‘kalakaran.’

Ang kaibahan nga lamang sa sitwasyon ngayon diyan sa nasabing lungsod, hindi katulad ni Kap Borbie ang puwedeng humalili sa kanya bilang ‘godfather’ ng siyudad.

Si Kap Borbie kasi bukod sa bata pa ay may malawak na kaisipan at masasabing imay pusong lider. ‘Ika nga, mistulang Robinhood na mahal ng mahihirap na Pasayeños.

Unlike sa isang alyas Morales na isa pang karnal na tauhan ng isang high ranking official ng Pasay ngunit walang diskarte at sadyang negosyo lamang sa droga ang tinututukang maigi.

Speaking of Pasay politics, inaasahang babaha ng kuwarta mula sa illegal drugs kapag hindi ito inilagay sa Comelec control ng kasalukuyang pamahalaan.

Tradisyonal na sa Pasay ang ‘massive vote buying’ gaya ng mga nagdaang 2010 at 2013 elections na naging pangkaraniwan nang tanawin ang pamumudmod ng pera sa mga botante na dumaraan mismo sa kamay ng barangay officials.

Ngunit sa pagkakataong ito, nangako ang simbahang Katoliko at ang watchdog  na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na matamang babantayan ang lungsod ng Pasay.

Bukod sa droga, inaasahang magkakaloob ng sandamakmak na kuwarta ang mga club cum bahay-putahan ng siyudad kabilang ang mga antigo at bagong tayong bahay-aliwan lalo na sa tinaguriang ‘Entertainment Complex’ sa EDSA na pag-aari ng mga dayuhang sex exploiters.

Nariyan din ang operators ng sugal na eksklusibong nag-o-operate sa lungsod. Speaking of Pasay,kung hataw at umaariba ang pa-lotteng nitong si  JUN LAKAN, ganoon din ang bookies sa karera ng kabayo sa Pildera na ang operators ay sina LOUI, ROSY, TOTOY, DORY at ELY sa Sto. Niño naman ay matitikas na sina RONALD, GLORIA, CESAR at BAY samantala sina CHE, ROGER, GEMMA  at  KAKA ang pasimuno sa bookies ng karera sa TRAMO-Libertad.

More on Pasay politics and Kap Borbie sa ating mga susunod na pagtalakay.

Abangan!

Sino si Jigs kolektor ng CIDG-South?

Sa rami ng mga pulis cum  kolektor ng tong sa buong Kamaynilaan, halos araw-araw ay laman ng ating mga kolum ang tila kabuteng pagsusulputan n ito.

Sa araw na ito, hambalusin natin ang sumisikat na tauhan umano ni General Benjie Magalong na si JIGS SERBILLION na gamit at bitbit ang pangalan ng isang Major Romy Lanzarote na umano’y opisyal ng CIDIG-South.

 Si JIGS umano ang katulong ni Major Lanzarote sa pag-iipon ng lingguhang quota para umano kay General Magalong.

Para ma-meet ni Jigs ang nasabing tarya, kaliwa’t kanan ang pangongolekta umano sa mga ilegalista sa Southern Police District (SPD).

Mula sa mga bold shows at putahan hanggang illegal gambling at drugs ay may linggohang payola na kinokolekta.

Para umano ito kay CIDG Director Benjie Magalong at Major Lanzarote.

 Bukod sa pagtimbre sa mga ilegal sa nasabing AOR ng CIDG-South, nangangahoy pa umano ng mga video karera machines (VK) si Jigs Serbillion para naman ipuwesto sa siyudad ng Pasig na may network ng sariling VK. Ang pananggang ginagamit ay mismong aklade ng naturang siyudad na si Mayor Eusebio.

Hindi na tayo magtataka kung isa si Jigs Serbillion sa mga milyonaryong lespu natin sa PNP.

Hindi kasi matatawaran ang sipag niya sa pangongotong at paminsan-minsang pambubukol hehehe!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …