Thursday , December 26 2024

 ‘Agenda’ sa bangayan ng mag-amang Romero

 

00 Kalampag percyTILA mga garapatang busog ang ilang tiwaling taga-media na nagpipi-yesta sa away ng mag-amang Reghis at Michael Romero ng R-II Builders.

Naggigirian ang mag-ama sa korte at propaganda war para sa control ng kanilang kompanya na ilang beses na nasang-kot sa kuwestiyonab-leng kontrata sa gob-yerno.

Dahil parehong ma-kuwarta, sinusuhulan nila ang mga corrupt na taga-media para atakehin at eskandalohin sa madla ang isa’t isa.

Pati ang maanomalyang joint venture agreement (JVA) na pinasok ng R-II Builders sa IBC-13 ay kinaladkad ng mga damuho, pati na ang kapakanan ng mga empleyado ng sequesterd TV station. Ano ba ang agenda sa away-pamilya na wala namang kinalaman sa interes ng publiko?

Sec. Coloma umepal pabor kay Romero

KUNG inyong matatandaan, ang inyong lingkod ang naghain ng kaso laban sa dating liderato ng IBC-13 at ng R-II Builders dahil lugi ang gobyerno sa niluto nilang JVA.

Nabulgar ang anomalya dahil sa ating inis-yatibo na magsampa ng kaso na hindi na umusad sa Ombudsman.

Mismong Commission on Audit (COA), Office of the Solicitor General (OSG), the Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ay pare-parehong nagpahayag na lugi ang gobyerno sa maanomalyang kasunduan.

Ayon sa  COA, isinuko ng IBC 13 sa R-2 Builders ang control sa government-owned prime land sa halagang P9,999 per sq m, samantala ang presyo ng mga lupa sa Capitol Hills ay nagkakahalaga ng P35,000 hanggang P65,000 per sq m.

Pero mula nang utusan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga dati at kasaluku-yang opisyal ng IBC-13, pati na si Communications Secretary Sonny Coloma na sagutin ang isyu sa JVA noong Hunyo 2013, wala na tayong balita na umusad pa ang ating reklamo.

Isinampa natin ang reklamo sa Ombudsman hindi upang paboran ang sinomang hindoropot na nakinabang sa maanomalyang kontrata kundi bilang mamamayan na isa sa may-ari ng IBC-13 na isang government property.

Kung inuungkat man ngayon ang usapin ng ilang naglalaway sa kuwarta ng mga Romero, wala tayong kinalaman dito at sa katunayan ay naiinis pa nga tayo dahil tila pinalalabas na isang labor dispute issue na lang ito.

Ang nakapupundi pa, wala namang inilalabas na bagong opinyon ang OSG, PCGG, OGCC at COA kung ano na ang estado ng JVA pero si Coloma ay tila ‘nangungumbinsi’ na dahil pumayag daw ang R-II Builders na dagdagan ng P450-M ang halaga ng kontrata ay ubra na sa kanya.

Kailan pa nagkaroon ng kapangyarihan si Coloma na sapawan ang power ng Ombudsman, Sandiganbayan, OSG, PCGG, OGCC at COA?

Parang pinalalabas ni Coloma na basta mabayaran lang ang mga benepisyo ng mga kawani ng IBC-13 ay puwede na ang maanomalyang JVA.

Ito ba ang daang matuwid na gustong ipagpatuloy ni PNoy?

Tagilid ang dynasty ng mga Gatchalian

KAILANGAN pang magbuwis ng buhay ang 72 manggagawa ng kentex para magising sa katotohanan ang gobyerno kung gaano kalupit ang sitwasyon ng mga obrero at paano sila pinagsasamantalahan ng mga kapitalista at kasabwat na mga opisyal ng pamahalaan.

Kamakalawa ay inihayag ni PNoy na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang may-ari ng Kentex factory at mga lokal na opisyal ng Valenzuela City.

Alam naman ng lahat na si Mayor Rex Gatchalian ang tinutukoy ni PNoy, kaya tiyak na isa siya sa mapapanagot sa pagkalitson ng 72 obrero dahil sa pagbibigay niya ng business permit kahit bagsak ang pabrika sa fire safety inspection.

Isa tayo sa umaasa na ito na ang hudyat sa pagtatapos ng political dynasty ng mga Gatchalian sa siyudad dahil matagal-tagal na rin naman nilang nalilinlang ang mga “bobotante” na sila ang susi sa pag-asenso ng Valenzuela City.

Pagkamatay ng 25 obrero dapat din imbestigahan

PABOR tayo sa sigasig ni PNoy sa pagbibigay hustisya sa 72 Kentex workers pero sana’y maalala rin niya na may 25 obrero rin ang natupok ng sunog sa panahon ng kanyang administrasyon na hanggang ngayo’y walang hustisya.

Noong May 2012, namatay ang 17 manggagawang kababaihan nang masunod ang Novo Jeans and Shorts sa Butuan City at 8 babaeng obrero rin ang nalitson noong Abril 2014 nang maabo ang Asia Micro Tech sa Pasay City.

Hindi natin alam kung kaalyado ba ni PNoy ang mga alkalde ng Butuan City at Pasay City kaya hindi siya kumibo sa kalunos-lunos na sinapit ng mga namatay na manggagawa.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *