IT is a figure of speech na ibig sabihin hindi mo kayang patumbahin o salingin man lamang ang sino mang naghahawak ng kapangyarihan sa isang parte ng gobyerno.
Sa madaling sabi, it will be futile to fight your superiors na malakas ang kapit, halimbawa sa Malacañang. A subordinate may attempt to do so, halimbawa pumunta sa korte o Ombudsman para ituloy ang laban sa superior. Pero ito ay mahirap ding gawin kapag ikaw ay isang hamak na empleyado. Ito ang realidad sa Philippine politics sa isang ‘demo-crazy’ tulad ng Pilipinas. Masyadong lopsided ang pagpapatupad ng batas.
Pero, sa tulad ng isang ordinary employee sa Bureau of Customs na si intelligence officer Joel Pinawen na acting NAIA-Customs intelligence chief na tangkang kasuhan ang kanyang Commissioner dahil sa pang-iinsulto sa kanya sa harap ng publiko sa Airport.
Nagkaroon ng sagutan si Pinawen at Commissioner Bert Lina na sang-ayon kay Pinawen ay related sa claim niya na kanyang pinapa-seize ang mga kargamento na nakalagak sa mga bodega ni Lina sa Airport.
Hindi lang natin alam kung iyong mga lumabas sa isang 7-page White Paper na talagang produkto ng isang demolition job ilang araw pa man bago ma-appoint si Lina bilang customs chief last week of April ay may kinalam si Mr. Pinawen.
Kung halimbawang ang source ng White Paper na isang demolition job ay iyong intel report ni Pinawen sa mga bodega na umano ay questionable ang mga laman, posibleng iyong nasa likod ng nasabing White Paper ay ‘nagamit.’
Para naman humupa ang away nina Lina at nitong si Pinawen, iniutos ni Deputy Commissioner for Intelligence Jessie Dellosa, import mula sa AFP retirement pool, kanya daw papapalitan si Pinawen sa aiport ng isang beteranong intel officer, si Mario Lopez na dating kanang kamay ni dating hepe ng intel service na si Dino Tuazon na ngayon ay nasa floating status.