MAY dalawang Chinese vessel o barko ang MV 666 at MV 777, ang pumasok sa Philippine territory na inabot nang matinding bagyo at sumadsad sa pampang or shoreline sa Sitio Nagtupacan, Barangay Puduc Sur, San Vicente, Ilocos Sur na abandonado na.
Nakarating ang balita sa Customs District Collector office at agad nag-isyu ng warrant of seizure and detention order (WSD) to protect the interest of the Bureau of Customs who has the right to claim the wreckage base on customs laws.
Dahil dito nagpadala umano ng mga sundalo to guard and to protect the wreckage dahil may nangyayaring pilferage.
Pero ang nakapagtataka, after several days tila umalis rin ang mga sundalo sa area for unknown reason.
Kaya naman patuloy daw ang pag-chop-chop sa metal parts ng dalawang barko ngayon.
And according to our source, the two ships are heavily guarded by some armed group in the area.
Ano ngayon ang ginagawa ng customs authorities to protect these 2 ships from thieves?
Ang mas matindi may info na ang isang barko, MV 666 CHAN ay nawawala na raw sa area. Mukhang itinago sa ibang barangay at ang MV 777 ay malapit na rin maubos at malamang turnilyo na lang ng pakikinabangan ng Customs kapag wala pang action silang gagawin.
Commissioner Bert Lina, painspeksiyon mo kaagad kung ano na ang nangyari sa dalawang barko bago pa kalawang na lang ang matira dito.