Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, sobrang nadesmaya sa halos bra na lang na suot sa picture ni KC

 

HATAWAN – Ed de Leon

060115 sharon kc

HINDI maikaila ni Sharon Cuneta na desmayado siya sa nakita niyang mga picture ng anak na si KC Concepcion na halos bra na lang ang suot doon sa recital concert ng isang dance group na siya ang guest. Hindi lang iyon, maski kami ay nagulat sa nakita naming naka-post na mula yata sa kung saang pictorial shoot ni KC na talagang litaw ang cleavage. Nagtatawa nga ang isa naming kaibigan nang masabi naming para siyang hindi anak ni Sharon. Para siyang anak ni Ruffa Mae Quinto.

Hindi namin masisisi ang isang magulang kagaya ni Sharon kung ganoon nga ang kanyang makikita. Normally sa mga ganyang sitwasyon, ang mas apektado talaga ay iyong tatay kaysa nanay, dahil anak na babae iyan eh. Pero sa kaso nga ni Gabby, siguro kaya naman hindi siya masyadong apektado ay dahil anak nga niya si KC pero hindi naman talaga niya nakasama. Tatlong taon pa lang si KC, meaning halos baby pa nang mahiwalay si Sharon kay Gabby, kaya hindi mo masasabing talagang ok ang attachment ng mag-tatay.

Sa kanyang sumunod na posts, sinabi ni Sharon na natutuwa siya at nasisiyahan na kasama niya ang kanyang buong pamilya. Binanggit niya isa-isa ang kanyang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel. Pero sinabi niyang may isa pang kulang na ang description niya ay “seems to be far away”.

Pero kung iisipin mo, ano nga ba ang pinagmulan talaga niyan?

Ipinadala ni Sharon sa abroad ang kanyang anak para roon mag-aral. Una dahil naniniwala siya na mas mataas ang kalidad ng edukasyon na makukuha ng kanyang anak doon. Isa pa, naniniwala siyang doon mas masasanay ang kanyang anak na mabuhay independently. Marahil ang isa pang dahilan ay inilalayo niya ang anak sa mga intriga, lalo na’t noong mga panahong iyon ay nagsisimula na nga siyang ma-in love na muli ng seryoso. Hindi nga lang niya naisip kung magiging gaano ka-independent ang kanyang anak pagdating ng araw, at kung mag-iiba nga ba ang values niyon.

Iyang pagkadesmaya ni Sharon, na sa totoo lang nararamdaman din namin, ay dahil sa kaibahan nga lang ng values. Siguro kasi mas conservative tayong mga Pinoy. Sa atin iba na basta ganyan. Pero sa mga dayuhan natural lang ang ginagawang iyon ni KC dahil nasa tamang edad na naman siya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …