TALBOG – Roldan Castro.
NABANGGIT din ni Robi na nakadepende ngayon kung kailan magsisimula ang Pinoy Big Brother kay Toni Gonzaga. Hangga’t maaari ay ayaw nilang palitan si Toni dahil kung kailan 10th anniversary ay at saka siya mawawala.
Posibleng mag-adjust daw para sa kanya. Nasa stage kasi si Toni ngayon sa preparation ng kasal niya at magpapahinga muna sa showbiz.
Mukhang mawawala ‘yung touch ng PBB at magtataka sila ‘pag wala si Toni na ilang years na rin niyang ginagawa. Nasanay na ang televiewers sa kanya kung paano mag-nominate at mag-evict.
Oo nga naman!