SIR JERRY nagtataka po ako sa attitude ng mga traffic enforcer ng MTPB lalo na po diyan sa harap ng City Hall at harap ng MET sa kanto ng naghihiwalay na direksiyon patunging McArthur at Quezon Bridge.
Ang mga MTPB traffic enforcer ay fault finder hindi tagaayos ng trapiko. Nagkukumpulan sila sa isang lugar para abangan kung sino ang magkakamaling driver. Dahil bumper to bumper ang traffic, didiskarte ang driver na makauna at malampasan ang heavy traffic. Sa ganoong sitwasyon, aabangan sila ng traffic enforcer at ‘pag tapat sa kanila, HULI!
Hindi ba ang tungkulin ng traffic enforcer ay pagaanin ang daloy ng mga sasakyan? E paanong luluwag ang traffic sa Maynila, lahat ng butas (daanan/lusutan) tinakpan kaya ang lahat ng sasakyan ay nakaimbudo patungong Taft Avenue. Imbes na ‘yung mga papuntang Paco, Pandacan at Makati area makalusot na sa San Marcelino (kung hindi isinara ang daan sa city hall) ang nangyayari tuloy dederetso pa sa Taft hanggang U.N. Avenue at Pedro Gil at doon lamang maghihiwalay ang mga papunta sa Paco/Pandacan at Makati.
Mukhang ang objective ng MTPB traffic enforcer makapanghuli ng maraming driver para pagkitaan nila hindi ‘yung pagaangin o paluwagin ang trapiko sa Maynila.
Wala na ba talagang pag-asang umayos ang traffic sa Maynila?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com