Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-iinang Tetay, tuloy pa rin ng Japan kahit sunod-sunod ang paglindol doon

 

060215 kris bimby josh

00 fact sheet reggeeMUKHANG hindi naman kabado si Kris Aquino sa 8.5 magnitude na lindol sa Tokyo, Japan noong Sabado dahil nakatakda silang lumipad papuntang Osaka sa Huwebes, Hunyo 4 kasama sina Joshua at Bimby at ilang personal staff.

Matagal ng nakaplano ang nasabing bakasyon ng mag-iina para sa selebrasyon ng kaarawan ni Josh bukas, Hunyo 3.

Tinext namin si Kris kung itutuloy pa rin nila ang pag-alis dahil nga baka may after shocks pa, maski na magkalayo ang Osaka at Tokyo ay nasa Japan pa rin sila.

“Okay lang, GO na,” ito ang sagot sa amin ng Queen of All Media.

Gustong-gusto ng mag-iinang Kris, Josh, at Bimby ang Japan dahil ikalawang tahanan na raw nila ito dahil sa magandang kultura at magagalang ang mga tao roon bukod pa sa masasarap ang mga pagkain ay enjoy din silang maglakad-lakad dahil sa magandang klima rito.

Samantala, naging busy si Kris nitong weekend niya dahil nasa Dagupan siya noong Linggo bilang parte ng Northern tour nito para sa Kris TV na nag-umpisa noong Biyernes, Mayo 29 at pagdating nila kahapon ay nagpahinga lang at dumiretso sa live episode ng Aquino and Abunda Tonight.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …