Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gretchen, tinanggihan ang alok na kasal ni Robi

 

TALBOG – Roldan Castro.

060215 Gretchen Ho robi domingo

ALIW kami sa reaksiyon ni Robi Domingo noong mapabalitang buntis ang girlfriend niyang si Gretchen Ho na hindi naman totoo.

Pati raw siya ay nagulat kung paano nabuntis si Gretchen?

“Kamay ko nga puro kalyo,” pagbibiro niya nang makatsikahan namin siya sa birthday party ng kaibigang Rommel Placente.

“Sabi ko, buntis ka raw?Maybe intervention ang mangyayari. Kasi talagang imposibleng mangyari ‘yun. Ako na ang magsasabi sa inyo, imposibleng mangyari ‘yun,” bulalas niya.

Nandoon ‘yung respeto nila sa sanctity ng marriage at konserbatibo rin daw ang mga Chinese.

“Si Gretchen kasi sobrang Catholic niyan at saka Chinese. Ang alam ko ‘yung dad niya sobrang naalarma, to the point na ‘pag nagpupunta ako ng bahay nila, nararamdaman ko eh, ‘pag nagsi-shake hands kami, ang lakas ng hawak .. napuputol ‘yung ano ko…ipinaparamdam ‘yung tandaan mo ha, ang anak ko, ha, bawal pa’yan,” tumatawa niyang kuwento.

Minsan daw ay nagbiro siya kay Grethen na magpakasal sila pero ‘no’ ang sagot ng girlfriend dahil hindi pa raw sila handa.

“Tinanggihan ako. Basted ako agad,” tumatawa niya pahayag.

Dagdag pa ni Robi, hindi pa raw siya magpapakasal hangga’t hindi raw siya nakakatanggap ng 50 awards. 47 pa raw ang hihintayin niya dahil tatlo pa lang ang nakukuha niyang awards.

Baka tumandang dalaga na si Gretchen niyan?

“Eh sa kanya na ‘yun, maghanap siya ng iba,” tumatawa niya at pagbibiro.

May rebelasyon din si Robi tungkol sa bading na nag-approach sa kanya sa showbiz paglabas niya sa PBB house. Bagamat mayaman naman ang pamilya niya, hindi siya nakaligtas sa para-paraan ng bading.

“May project daw na pag-uusapan pero 11:00 p.m.? Sabi ko may school po ako, bawal po ma-late. Hayun,” sey niya.

‘Di ba may kasunod ‘yun na tanong na naging leading man ka na ba at may kapalit ‘yun?

“Hindi naman siya nagtanong sa akin ng ganoon,” paglilinaw ng TV host.

Sa success ngayon ni Robi bilang TV host, naniniwala rin siya sa tiyaga. Dumating din siya noon sa point na gustong mag-exit na sa showbiz dahil walang ginagawa at proyekto. Naiinggit siya sa ibang produkto ng PBB na maraming ginagawa.

“Kailangan pala talaga magsimula ka sa baba at magtiyaga lang,” sambit niya.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …