VIGAN CITY – Nagdulot ng takot sa mga motorista ang pinaniniwalaang bagong modus operandi o estilo ng mga holdaper sa Ilocos Sur.
Modus sa panghoholdap na harangin, tutukan ng baril, nakawan at hubaran ang kanilang biktima.
Naging nabiktima si Mark Adame, 39, ng Brgy. Beddeng Laud, Vigan City, empleyado ng isang restaurant sa siyudad.
Batay sa imbestigasyon ng PNP-Viga, pauwi na ang biktima ngunit nang nasa bahagi na ng Brgy. 9, Cuta, hinarang siya ng dalawang hindi nakilalang lalaki sakay ng isang motorsiklo, tinutukan ng baril at dinala sa isang liblib na lugar.
Pagkaraan malimas ang kanyang pera, alahas at cellphone, tinalian ang kanyang mga kamay, hinubaran saka iniwan siya ng mga suspek tangay ang kanyang motorsiklo.
Nakahingi ng saklolo si Adame makaraan makalas niya ang tali sa kanyang mga kamay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa bagong estilo ng panghoholdap.