Sunday , December 22 2024

Bangkay sa maleta iniwan sa locker ng Tokyo train station

MAKARAAN ang isang buwan, natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng maleta na iniwan sa locker ng world’s busiest train stations, ayon sa Japanese police kahapon.

Ang maleta ay iniwan sa locker ng Tokyo Station nitong Abril, ngunit inalis sa left-luggage storage room nang walang komolekta nito, ayon sa ulat ng media.

Ngunit makaraan ang isang buwan na walang kumuha nito, binuksan ito ng baggage storage company.

“There was an abnormal odor when we opened the suitcase,” pahayag ng spokesman sa mga mamamahayag. “Then we saw hair.”

Ang bangkay ng babae ay tinatayang 70 hanggang 90-anyos, 140 centimers (4 ft 7 ins) ang taas, ayon sa pulisya.

Siya ay isiniksik sa maleta na may sukat na 70 centimeters by 50 centimeters, pahayag ng media.

Wala ni isa man sa mga taong nagtatrabaho sa opisina kasunod ng baggage storage room, ang nakapansin sa masangsang na ampoy, ulat ng Sponichi tabloid.

Sinabi ng pulisya, wala pa silang leads sa pagkakakilanlan ng babae, ngunit iniimbestigahan ang posibleng sanhi ng pagkamatay at sinusuri ang CCTV footage mula sa paligid ng estasyon.

Ang Tokyo Station ang pinakaabala sa Japan, tinatayang 150 milyon ang sumasakay na pasahero kada taon, pahayag ng operator JR East.

Ito ay terminus ng ilang shinkansen bullet train lines, at connection point ng maraming suburban at subway routes.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *