KINOMPIRMA ng Department of National Defense (DND) na ipadadala ng Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS) ang kanilang pinakamalaking barkong pandigma, ang USS Ronald Reagan.
Layon ng nasabing presensiya ng pinakamalaking U.S. warship para maiwasan ang ginagawang pambu-bully ng China lalong-lalo na sa Filipinas.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, isang positibong hakbangin ang planong deployment ng U.S. warship nang sa gayon mabatid ang reaksiyon ng bansang nais sumakop sa teritoryo ng Filipinas at hindi sumusu-nod sa international law.
Pahayag ni Gazmin, ang deployment ng USS Ronald Reagan ay para malaman kung kakaya-kayanin pa rin ng China ang Filipinas.
Samantala, ayon sa kalihim, sa pagtungo niya sa Hawaii ay napag-usapan nila ni US Defense Secretary Ashton Carter ang General Security of Military Information Agreement.
Tiniyak aniya ng U.S. ang kanilang “Ironclad commitment” para idepensa ang Filipinas.
Ang Filipinas ay kilalang kaalyado ng bansang Amerika sa loob ng 60 taon sa pamamagitan ng US-Philippines Mutual Defense Treaty.