Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta, tutol sa sexy outfits ni KC Concepcion

060115 sharon kc

00 Alam mo na NonieAMINADO ang Megastar na si Sharon Cuneta na hindi siya komporme sa mga sexy poses na ginagawa sa ilang photo shoots at sa sexy outfits na isinusuot ng anak niyang si KC Concepcion.

Sa post niya sa kanyang Facebook account, ipinahayag ni Sharon ang sa tingin niya’y sobrang sexy poses na ginagawa ng kanyang anak. Bilang sagot sa isang FB user na nagngangalang Dany Pascual, sinabi ni Sharon na hindi raw siya sang-ayon sa mga daring outfits ni KC.

Partikular na tinukoy na larawan ni KC ang nakasuot ng revealing leopard outfit nang naging guest siya sa G-Force recital last May 26 sa Mall of Asia Arena.

“I really honestly would rather not say anything. But I also really honestly would have to say I do not like that she has done this and other unnecessary too-sexy poses,” esplika ni Sharon.

Ipinahayag pa ng isa sa judge ng Your Face Sounds Familiar na nasasaktan na siya sa bagay na ito at reaksiyon niya ito bilang isang ina. Inamin pa niyang hindi ito ang unang pagkakataon na nagulat siya sa ginawa ni KC.

Dagdag na post pa ng aktres/singer. “Sorry pero nanay ako… may mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. Madaming beses na din kasi akong nagulat. Well, she’s an adult and unfortunately, all we parents can do is give our advice, di magkulang sa paalala… Sana lang din tama na yung poses na ganyan. Nasasaktan na ako.”

Kilala si KC sa kanyang sweet image nang pumasok ito sa showbiz noong 2008. Si KC ay nag-aral sa abroad kaya modern ang pananaw sa ibang bagay. Kaya nitong mga nakaraang pictorials niya sa ilang magazines ay talagang nagulat ang marami sa kanyang pagiging daring at sexy.

Noong 2012, nagkaroon si KC ng sexy calendar para sa isang brand ng alak. Ginulat din niya ang marami nang lumabas siya bilang cover girl ng ilang magazines sa napaka-seksing poses na ang ilan ay wala siyang suot na bra at bakat ang kanyang nipples.

Ayon naman sa ilang netizens, naiintindihan daw nila ang reaction ni Sharon bilang isang ina. Pero, hindi naman daw nakakahiya ang ginagawa ni KC dahil may katawan naman itong ipapakita na pinaghirapan ni-yang ma-achieve thru exercise at pagiging health buff.

Sinabi rin ng ilang netizens na hindi naman malaswa ang suot ni KC sa naturang event ng G-Force.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …