Roxas: Jolo bombers litisin parusahan
hataw tabloid
June 1, 2015
News
MAHIGIT 17 katao ang nasugatan, kasama rito ang mga first responder at ibang sibilyan nang may sumabog na improvised explosive device (IED) at granada sa tabi ng isang mosque sa loob ng Sulu provincial police compound sa Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group-Sulu, ang unang pagsa-bog ay mula sa isang inihagis na granada na nakasugat sa ilang mga sibilyan bandang 7:30 ng gabi sa loob mismo ng Camp Kasim sa Barangay Asturias.
Nang sumaklolo ang mga pulis, sumabog ang pangalawang homemade bomb.
Samantala, agad ipinag-utos ni DILG Secretary Mar Roxas ang mabilis at masinsinang imbes-tigasyon upang mahanap ang mga responsable sa pagsabog.
“Inatasan ko ang PNP na magsagawa ng malalimang imbestigas-yon upang malaman ang puno’t dulo nito at mapanagot ang mga salarin. The perpetrators will be prosecuted to the fullest extent of the law.”
Tiniyak din ni Roxas na nalapatan ng agarang lunas ang mga panga-ngailangang medikal ng mga biktimang sibilyan at pulis.
Bilang DILG chief, sakop ni Roxas ang PNP at sinisiguro niyang nararating ng reporma ang ahensiya upang makatulong din sa pagpapalakas ng peace and order.
Kamakailan, sunod-sunod ang pagpapadala ng DILG ng mga bagong multi-role patrol vehicle units sa iba’t ibang lungsod at probinsiya para sa mas mataas na police visibility sa ilalim ng ‘Oplan Lambat Sibat.’
Nitong Biyernes, inilunsad ng DILG ang ‘SAFE Kam’, isang anti-crime measure sa ilalim ng Oplan Lambat Sibat na gumagamit ng closed circuit television (CCTV) cameras para makahuli ng kriminal at maiwasan ang krimen.
May unang 32 CCTV cameras ang ikinabit sa intersection ng Pasay Rotunda, kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Pasay City.
“Kasama ito sa ating programa na hindi bara-bara o patsamba-tsamba, hindi kanya-kanya at hindi ningas cogon. Nais natin ipairal ang batas sa paraang deliberate, programmatic, at sustained upang maramdaman ng ating mamamayan ang kaligtasan sa ating lansangan,” diin ni Roxas.
Isusunod na ni Roxas ang 6 pang crime-prone areas tulad ng University Belt area sa Maynila, Monumento, MRT North Edsa Station-West Avenue, EDSA Cubao-Aurora Boulevard, Redemptorist sa Baclaran, at De La Salle University sa Taft Avenue.
Mula nang ilunsad ang Oplan Lambat Sibat ay bumaba nang 60% ang crime rate sa National Capital Region. (HNT)