Sunday , December 22 2024

Pumugot sa 9-anyos totoy, arestado

 

042015 arrest prison

ARESTADO na ng mga awtoridad ang lalaking pumugot sa 9-anyos batang lalaki sa bayan ng Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Santos, nagtangka pang tumakas ngunit nadakip malapit sa Manila Bay.

Ayon sa isang testigo, nakita niya ang suspek nang itapon ang bangkay ng biktimang si Arnel Escobar, Grade 2 pupil, residente ng Brgy. Mercado sa naturang bayan, sa ilog dakong 3 a.m. nitong Sabado, at nakita rin niyang pinunasan ng salarin ang bahid ng dugo sa kanyang bangka.

Naging emosyonal ang ama ng biktima nang makita ang suspek.

Bago naganap ang insidente, iniwan ng ama ang biktima sa kanilang bahay upang pumalaot at mangisda. Ngunit nang siya ay bumalik ay natagpuang nakalutang ang pugot na bangkay ng biktima sa ilog.

Samantala, itinuro ng suspek kung saan niya itinapon ang ulo ng biktima na narekober kahapon ng umaga.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. (MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *