Sunday , December 22 2024

Press Office sa NAIA T1 binaha ng ulan

 

060115 NAIA T1 ulan

MATATAPOS na ang sinasabing modernong rehabilitsayon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 pero nagulat ang mga miyembro ng media na nakatalaga rito nang bumuhos ang ‘ulan’ mula sa kisame nito, kamakalawa ng gabi.

Nadesmaya ang mga mamamahayag nang bumungad sa kanila ang walang tigil na tulo ng tubig mula sa kisame ng computer room kaya’t agad nagdala ng balde ang ilang janitor at isinahod para bawasan ang pagbaha sa press office.

Kamakailan, hindi ikinatuwa ng ilang airline ground personnel nang tumagas ang ulan mula sa kisame patungo sa pre-departure east at west concourse ng ipinagmamalaking ‘newly-rehabilitated’ na NAIA terminal 1.

Anila, gumamit pa sila ng payong upang hindi mabasa ang mga pasahero na ihahatid nila patungo sa boarding gate dahil sa tumatagas na tubig sa kisame.

Ganito rin umano ang naranasan ng ilang pasahero sa arrival customs area at muntik pang madulas ang ilan sa kanila habang naghihintay ng kanilang bagahe.

Mahigit isang bilyong piso ang iginugol ng pamahalaan sa reahabilitasyon ng binansagang ‘worst airport’ sa buong mundo ngunit bigo at ‘palpak’ ang isinagawang waterproofing na pinaniniwalaang dahilan ng pagbaha.

Ang rehabilitation ng NAIA terminal 1 ay nasa pangangasiwa ng DMCI construction firm at matatapos umano ito ngayong buwan ng Hunyo. (JSY)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *