Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, ‘di takot mawalan ng career (Sa pagtungo nilang mag-asawa sa Spain…)

 

060115 Mariel Rodriguez Robin Padilla

00 fact sheet reggeeLAHAT ng ginagawa ni Robin Padilla ay suportado ng asawang si Mariel Rodriguez.

“Sinusuportahan ko si Robin sa lahat ng ginagawa niya, kaya kung decided na siyang umalis ng bansa for good, I have to go with him.”

Nakatakdang lumipad patungong Spain si Robin kasama si Mariel sa Hunyo 15 at hindi lang alam kung kailan sila babalik ng Pilipinas.

“No idea kung til when, pero babalik naman, kasi hindi ko alam kung gaano katagal o kabilis (‘yung pag-trace ng roots), matagal na nga itong nade-delay, nakakailan na kasi nga may show ako.”

Ang bagong show ay ang Happy Truck Ng Bayan na isa si Mariel sa host nito at excited ang TV host/actress dahil pawang may ‘happy’ ang titulo ng programa niya tulad ng Happy Wife Happy Life kasama naman sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris.

Dapat ay noong Abril pa sila aalis pero naurong ng Mayo dahil nga may Happy Wife, Happy Life at kinuha siya sa Happy Truck Ng Bayan kaya naurong na sa Hunyo 15.

“Kaya nga nagbabangko ako, advance tapings ako, now four times ako nagte-taping sa ‘Happy Wife Happy Life’. At saka rito sa ‘Happy Truck Ng Bayan’, I’ll be absent for a while.

“Very supportive naman sila (TV5) kasi noong ikinonsider nila ako for the show, nagsabi ako na aalis ako, and pumayag sila,” sabi pa ni Mariel.

Hindi ba natatakot si Mariel na kapag sa ibang bansa na sila maninirahan ay mawala lahat ng career na tinatamasa niya ngayon?

“Di ba nga noong nagpakasal ako, iniwan ko lahat, ngayon pa ba ako matatakot?” katwiran ni Mariel.

Oo nga naman.

Samantala, katulad din ni Robin ay disappointed si Mariel sa nangyayari sa ating bansa, ”bakit, kayo ba hindi? Lalo na ngayon nakikita ko talaga ang poverty, kasi umiikot ako sa ‘Happy Wife’ kaya nakikita ko, mas lalo na siguro kapag ang ‘Happy Truck’, ramdam na ramdam ko talaga ang povery.

“Kaya nga suportado ko s’ya at sumasama ako kasi kung hindi dapat kinokontra ko,”paliwanag mabuti ni Mrs. Padilla.

Sabi pa ni Mariel, ”I’m the follower, he’s (Robin) the boss.”

Dahil nga sa mataong lugar pupunta ang Happy Truck Ng Bayan ay may dala ring happy bus si Mariel bilang standby area niya at ito raw ang bilin sa kanya ni Robin para hindi siya mainitan.

“Yes may dala rin akong Happy Bus, hindi ko pa alam kung ilan ang makakasama ko,”natawang sabi ni Mariel.

Natanong din TV host/actress kung okay ba sa kanya na lumabas-labas at pumunta sa mga barangay lalo na ngayon na sobrang init ng panahon.

“Kasi ‘yung ibang game shows na ginawa ko I’m always in the studio, maganda talaga ‘yung concept na ‘yung tao, tayo ang pupunta sa kanila, hindi sila ‘yung pupunta sa atin,” say ni Mariel.

Wala raw reklamo si Mariel kung may ipagagawa sa kanya dahil willing siyang gawin lahat.

“Sa ‘Happy Wife Happy Live’ ginawa akong mangangalakal ng basura riyan sa may Commonwealth (Payatas), hindi ko alam so naglugay pa mandin ako ng buhok, kasi akala ko nasa barangay hall lang, tapos biglang sinabi mangangalakal kami, hindi ako ready, eh, nandoon na so go lang ng go,” pahayag ni Mariel.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …