Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian Rivera, ‘di totoong magiging co-host sa Wowowin

 

TALBOG – Roldan Castro

060115 Marian Rivera willie

ITINANGGI ni Marian Rivera na magiging co-host siya ng Wowowin ni Willie Revillame tuwing Linggo sa GMA 7. Inakala kasi ng iba na para sa show ni Willie ang teaser na post niya sa kanyang Instagram account.

“Ano ba buntis na nga ako magko-co-host pa ako? Pang-Talk N’ Text yun,” paglilinaw niya.

Inamin niya na may nakaplanong Sunday show siya pero hindi pa sure. Ito ‘yung pagsasamahan nila ni Ai Ai Delas Alas at inintrigang inayawan niya umano si Regine Velasquez.

Paano raw niya tatanggihan si Regine, hindi pa nga nakalatag ‘yung project at ninang nila ito sa kasal.

“Kabaklaan ko ‘yun bakit ko naman tatanggihan ‘yun?,”bulalas niya. ”Wala akong tinatanggihan at wala akong karapatang tumanggi sa kahit na sinong artista. Wala, wala akong tinanggihan at kahit kailan wala akong tatanggihan na katrabaho,” dagdag pa niya.

Tungkol naman sa magiging baby nila ni Dingdong Dantes, hindi pa raw nila alam kung ano ang gender. Pero happy raw sila kung lalaki man o babae ito. Ipinagpi-pray nga nila na maging normal at malusog ito.

Hindi na rin daw siya nagseselos kay Dingdong. Asawa na raw niya ito at nabuntis na siya’t lahat-lahat. Napakabait daw ng asawa niya at ipinagluluto pa ng oatmeal sa umaga.

Pagkapanganak niya, ayaw niya munang sundan ang baby nila. Aalagaan daw muna niya ang baby nila.

“Tapos after niyon, ‘pag feeling ko okay na siya, at saka na lang uli,” sey pa niya na aabot ng two years.

Anyway, perfect endorser si Marian ng Maxi-Peel para saBagong Ganda, Bagong Pag-asa campaign, ”I’ve been with Maxi-Peel for 8 years now. I use their toner and sunblock a lot. Maarte talaga ko pagdating sa skin care kasi bilang artista, we have to protect our looks. I’m glad kinuha pa rin nila akong endorser kahit buntis na ako,” deklara pa niya.

Talbog!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …