UNCUT – Alex Brosas.
PARA kay Kris Aquino, isang “act of courage” ang ginawa ni Vice Ganda nang ipakita ang totoo niyang hitsura ng walang makeup, walang hair extension, at walang contact lens.
Para ipakita ang suporta sa isang teenager na binu-bully, buong ningning na binura ni Vice ang kanyang makeup, tinanggal ang contact lens, at hair extension. Marami ang humanga nang gawin niya ito para lang ipakita ang totoong kagandahan niya.
“’Yung pagbubura ng makeup, I’m not surprised, kasi madalas kaming lumalabas na wala, na hindi siya nag-aayos, pero ‘yung pagtanggal ng hair extensions, doon ako nagulat,” say ni Kris sa evening show nila ni Boy Abunda.
Chika pa ni Kris, ”Even ‘pag matutulog na—we’ve traveled together several times na—conscious siya talaga of that (‘yung hair niya). Bilib ako kasi alam ko talaga na that really took guts. Mag-a-amusement park lang kami, sa gitna ng init ng araw, sabi niya, ‘Sandali, nagkakabit pa!’
“Gusto kong ipamukha sa’yo na hindi ka dapat matakot kung ano ka,” say ni Vice kay Pamela (teen-ager na binu-bully).
Not surpisingly, naging trending topic sa Twitter ang * #ýProudToBeMe.