Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, wala raw offer sa ibang TV station

 

042515 jasmine curtis

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Happy Truck Ng Bayan, klinaro ni Jasmine Curtis Smith na wala siyang natatanggap o naririnig na offer mula sa ibang network at kung mayroon man ay hindi muna niya ito naiisip dahil hanggang Disyembre 2016 pa ang kontrata niya sa TV5.

If ever daw ay masaya naman siya sa Singko, ”after ‘Move It (Battles of the Streetdancers)’, heto na, may new show ulit na ‘Happy Truck’ kaya walang rason para hindi maging happy sa TV5.

“I still have a contract ‘til end of 2016, and I never thought about it and I don’t know if there’s an offer, baka hindi lang sinasabi sa akin ng manager ko, I’m happy with the way I am, and I have this new thing (show) and I appreciate it,” paliwanag ng dalaga.

Malaki na ang pangalan ni Jasmin, pero parang mabagal ang usad ng karera niya kaya’t natanong kung naiinip siya.

“Hindi naman po ako naiinip sa takbo ng career ko because they (TV5) allow us naman to work outside, there’s a way naman to work and pabago-bago naman ipinagagawa sa akin ng TV5 at katatapos nga lang ‘yung dance show, tapos biglang variety show, so this is a new genre to work with on a different scene, sometimes in a studio, then barangay na kailangan mong kausapin, so getting ready for the pawis, ‘yung init, ‘yung ingay, it’s adventure sa akin,” say ng TV host/actress.

Muling kinumusta kay Jasmin ang ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion at kung ano raw ba ‘yung eksenang nakita siyang umiiyak habang kausap ang singer/actor sa BGC noong Abril.

“I don’t think I have to share what is in the past. We’re in the future, let’s talk about the happy life, kasi the longer we talk about, the longer people would tell that there is grudge etc.

“Also I think it’s better now that information’s regarding this would just keep it to myself and the other person (it’s) such a personal interactions,” paliwanag ni Jasmin.

Iniba na lang ang usapan dahil halatang asiwa siyang pag-usapan si Sam at sumigla nang ibalik ang usapan sa bagong game show ng TV5.

Samantala, masang-masa naman ang mga palaro ng Happy Truck Ng Bayan tulad ng Barangay’s Most Wanted, Bida Ng Dance Floor, OCW: Ohhh Construction worker!, Barangay Bayani, Ta-Wattpad, Ready, Set, Goma!, Sing-Ko, at Kwarta o Kwar-truck!.

Bibisitahin ng Happy Truck Ng Bayan ang Gagalangin, Tondo, barangay San Juan (near Crame), barangay Valenzuela (City), barangay Rodriguez, Rizal at iba pang barangay na pinaka-populated sa buong lugar sa bansa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …