UNCUT – Alex Brosas.
KAPAG naghintay ka talaga at matiyaga kang nagdasal na mangyari ang isang bagay ay makakamit mo ang iyong minimithi.
This is what happened kay Heart Evangelista na tuwang-tuwa dahil finally ay na-accept na ang husband niyang si senator Chiz Escudero ng inang si Cecile at amang si Rey.
Noong birthday ni Mommy Cecile ay nagpunta sina Heart at Chiz at welcome na welcome na sila sa mag-asawang Ongpauco. Nagpakuha pa nga ng picture ang apat na magkakasama sa isang table with this caption, ”Keep believing…keep praying and you will seed’þ in Gods perfect time=ØOÞ thank you…d’þ d’þd’þd’þd’þd’þd’þd’þd’þ:&þ”
Maganda na ang senaryo sa mga Ongpauco. Natanggap na nila si Chiz for Heart kaya naman tuwang-tuwa ang aktres.
“Natanggap na rin ng mga Ongpauco si senator Chiz. Very good News! But the happiest girl is Heart. Happy for this girl somehow.”
“Pag mabait ka, good karma ang nangyayari. You are very lucky Heart. What else can you ask for?”
Ilan lang ‘yan sa messages ng fans ni Heart.
Actually, mayroon din namang nang intriga na kesyo ginagamit lang ni Chiz ang sitwasyon dahil malapit na ang eleksiyon.
Sinupalpal naman sila ng isang fan ni Heart by saying, ”Love love love na… Haters gonna hate. Kung di sila bati may masasabi pero ngayon nagkabati na andami parin nasasabi. Mga ate mga buhay nyo nga pakialamanan nyo :)”
Oo nga naman.