Thursday , December 26 2024

Climate Change Commission puro biyahe sa labas ng bansa zero accomplishment!?

00 Bulabugin jerry yap jsy

ABA’Y katakot-takot na international conference ang dinadaluhan ng delegasyon ng bansa kaugnay ng tinatawag na climate change pero wala namang nanyayare!?

Wala pa umanong matibay na solusyon na nakikita mula sa Commission sa mga panawagan ng mga international conferences na dinaluhan nito.

Nagpadala ang bansa ng delagasyon sa Warsaw noong 2013. Sa Lima, Peru naman noong December 2014.

Pero hanggang ngayon wala pang naisusumiteng accomplishment report ang Climate Change Commission kung ano ginawa matapos ang komperensya at kung mayronn man nasaan?

Ano ang naging aksyon ng Commission sa panawagan ng mga komperensiya.

Pera ni Juan dela Cruz ang ginagamit ng mga delegado para dumalo sa napakahalagang mga komperensiya.

Walang nahita ang kawawang si Juan?

Ngayong Hulyo 7 hanggang 10, ay magpapadala na naman ang Pilipinas ng mga dadalo sa international scientific conference na may kaugnayan sa climate change. Inaasahang aabot sa 1,500 ang dadalo kasama na ang ipadadala ng bansa.

Ang layon umano ng international conference na ito ay: Provide an in-depth perspective on the scientific disciplines contributing to the evaluation of climate fluctuations and climate change, their projection and impacts; explore constraints and opportunities affecting humanity’s future on Earth through dedicated storylines and scenarios; advance understanding of changes under way and possible solutions in favour of transition toward a more sustainable future.

Scientific conference umano ito. Ibig sabihin scientist ang mga dapat na dumalo na may kaalaman sa climate change at hindi turista na walang gagawin kundi ang magpa-selfie-selfie sa mga tourist spot ng Paris.

Sayang ang pera ni Juan!

Sayang na sayang ang kaban ng bayan!

Maginoo pero bastos?

MISON’S WACKY PHOTO OP WITH BI MACTAN OJT

060115 mison ojt

AKALA natin ay pirming seryoso, kapita-pitagan at tindig-militar si Immigration Commissioner Siegfred Mison.

Minsan pala ay nagiging kenkoy rin siya, lalo na kung isang magandang on-the-job trainee (OJT) ang kanyang nakakasama.

Kakaiba nga raw ang adrenalin ni Commissioner Mison kapag mga youth ang kanyang nakakasama sa trabaho o sa isang project.

Gaya na lang nang minsang bumisita siya sa BI Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Con todo naka-coat and tie with corsage flower si Commissioner Miswa ‘este Mison. ‘Yun bang tipong walang paghuhugutan o panggagalingan nang kaboglihan ‘este’ ka-wacky-han.

Pero maraming taga-Immigration Mactan ang nagulat na ibang klase pala ang kanilang Commissioner. Kaya niyang maging ‘wacky’ lalo na’t mga bagets na OJT ang nagre-request ng photo op (selfie).

Ayaw siguro ni Commissioner Mison na isipin ng mga bagets na OJT na KJ as in kill joy siya kaya game lang patulan ang request na ‘wacky photo op.’

Tinutukoy po natin dito ang kopya ng photo op na nakita nating kumakalat sa social media at ipinadala pa sa inyong lingkod.

Kasama ni Commissioner Mison ang isang OJT sa isang selfie photo-op na kapwa nakalawit ‘este’ nakalabas ang kanilang dila.

Halos kalahati pala ng baba ni Commissioner Mison ang natakpan ng kanyang dila?!

Hik hik hik….

Yucky ‘este wacky talaga!

Bilib din naman tayo kay Commissioner Mison, talagang wacky kung wacky nang mahilingan ng isang photo op. Talagang lawit ‘este labas agad-agad ang dila.

At doon po natin napagtanto kung bakit mayroong isang laos na starlet na missed ‘este Ms. V. na enjoy na enjoy sa kanyang dila ‘este mali’ company pala.

Type lang talaga siguro ni Ms. V, ang mga serious-type outside pero wacky-type person inside na kagaya ni Commissioner Mison. ‘Di ba Ms. V?!

But seriously speaking, sabi ng mga naka-witness sa BI-MCIA sa trending labas-dila ‘e conduct unbecoming sa isang government official ang ginawa ni Mison.

Napakabastos tingnan lalo na sa namumuno ng isang ahensiya ng gobyerno.

Anong masasabi ninyo dear readers?

Kampanya ng MPD vs illegal na droga

KAMPANYA NG MPD VS ILLEGAL NA DROGA

060115 MPD

Kaliwa’t kanan ang operasyon ngayon kontra ilegal na droga ang isinasagawa ng Manila Police District (MPD) nitong mga nakaraang araw.

Ikinasa ng ilang police station ang Oplan Galugad laban sa mga markadong most wanted personalities sa bawat AOR nila.

Isa na rito ang MPD Abad Santos Station (PS7) na ratsada ang ginawang anti-illegal drugs operation sa mga drug-prone area o tarima sa kalye Batangas, Hermosa at Antipolo, Tondo, Maynila.

Ilang drug suspects ang nahuli at sinampahan ng kaso.

Ang MPD PS-1 at PS-11 ay masigasig na rin ang kampanya laban sa mga tulak ng shabu.

Pati na ang MPD PS-2 at PS-6, maganda ang info na nakukuha natin laban sa ilegal na droga.

Take note MPD DD Gen. Rolly Nana!

Pinupuri rin naman natin ang mga pulis na maayos na nagtatrabaho lalo na laban sa anti-illegal drugs.

Pero bakit ang MPD PS-3 ay mukhang napakatahimik at wala tayong naririnig na ginagawa laban sa ilegal na droga!?

‘E sa AOR na ‘yan namumutiktik ang mga adik at pusher ng shabu?

Patunay dito ang ginawang raid ng MPD-DAID kamakailan sa P. Guevarra St., Sta. Cruz sa isang notoryus na drug den na naaktohan pang may nagpa-pot session.

MPD PS-3 commander Supt. Grant sir, hindi ba teritoryo mo ang lugar na ‘yan!?

Sa tagal mo nang natutulog ‘este nakapwesto diyan sa PS-3, hindi mo man lang ba natutunugan ang talamak na shabuhan sa teritoryo mo!?

What the fact!?

Ang MPD PS-4 at PS-8, tahimik rin yata laban sa ilegal na droga?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *