GINAGAWA ngayon ni Chanel Latorre ang pelikulang Mabalasik na tinatampukan nina Rocco Nacino at Aljur Abrenica. Isa itong pelikulang kaabang-abang at dito’y muling magpapakita ng galing si Chanel.
“Second time ko na to work with Rocco, si Aljur, first time pa lang po.
“Ako po dito ay si Magda, isang sakitin na pulubing ina na nag-travel with her family on foot from Manila to the mountains dahil may narinig kaming word of hope na may lugar sa bundok na magbibigay sa amin ng magandang buhay,” saad ng aktres.
Ano’ng klaseng movie ito?
“Action-suspense ito, kaya kakaiba na naman ito at sana ay abangan ng moviegoers,” wika pa ng aktres.
Incidentally ang pelikulang kasama si Chanel na Of Sinners and Saints ay isa sa entry saWorld Premieres Film Festival Philippines na gaganapin sa June 24 to July 7, 2015 sa selected SM Cinemas.
Ito’y mula sa See Thru Pictures at tinatampukan din ito nina Polo Ravales, Raymond Bagatsing, Richard Quan, Sue Prado, at pinagbibidahan ng Italian-Filipino actor na si Ruben Maria Soriquez na siya ring producer at director nito.
Ang Of Sinners and Saints ay ukol sa mga pari at tinatalakay ang senstibong isyu sa ating lipunan ukol sa mga pari.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio